Friday, September 11, 2015

Coleen: Feeling ko si Billy na ang forever!





Para kay Coleen Garcia, si Billy Crawford na nga ang “the one” para sa kanya and she’s praying na sana’y ang TV host-actor na nga ang kanyang mapangasawa.

Sa Kris TV kahapon, si-nabi ni Coleen na si Billy na ang nais niyang makasama forever, “I know he is,” ang agad nitong sagot nang tanungin ni Kris Aquino.

Botong-boto rin daw ang pamilya ni Coleen kay Billy, “Wala kasi siyang itinatago na anything. My parents would ask him anything, he’ll answer right away.”

Sey pa ng dalaga, istrikto raw talaga ang daddy niya pagdating sa pakikipag-boyfriend niya, “Kahit nung bata ako, ‘Wala, you’re gonna have a boyfriend when you’re 42.’

But then, when he met Billy, super solid Billy siya. Even my lola, before she died, sabi niya, ‘Whatever you do, don’t let go of Billy.”

Nag-propose na ba si Billy sa kanya? “Not yet naman. Pero siyempre, he talks to me about it, we talk about it. And he wants to get married soon.

Pero I have so many things I want to do first. So, ayun, we have to compromise.”Dagdag pa ni Coleen, wala siyang reklamo kay Billy bilang boyfriend dahil napaka-supportive at napakabait nito sa kanya, kaya nga raw nasabi niyang “he is the one”. Well, sana nga ay may forever!

No comments: