Friday, September 11, 2015

Sey n’yo Nadine at Julia...James pinagnanasahan daw ni Ellen




Minsan daw ay nagseselos siya kapag laging binabanggit ni Ellen ang pangalan ni James Reid na crush na crush daw ng dalaga.

“Actually, lagi niya akong…kasi guwapung-guwapo siya kay James Reid. Tapos lagi niyang sinasabi, ‘O, wow! Guwapo ka dito ha, James Reid!’ Gusto ko sabihin niya, ‘Guwapo ka dito, Ejay!’ Pero hindi yun ang pinaka (kinaaasaran ko).

Pero yun yung sa dami ng pambu-bully niya sa akin, isa yun, yung mga ganu’n!” ang tawa nang tawang pag-amin ng hunk actor.

Pero totoo bang pinagseselosan niya si James? “Hindi. Actually, dati po talaga seloso po talaga akong tao. Sensitive ako. Pero (simula nang) nakasama ako kay Ellen, napag-a-ralan ko na yung sarili ko para mawala yung selos, yung pagiging sensitive.

Kasi wala, e, kailangan mo matuto, kailangan mong mag-adjust sa tao. And feeling ko, nawawala yun.”
Pero sey naman ni Ellen wala siyang ma-lisya kay James Reid, “Oo, crush ko lang.

Crush ko lang talaga si James Reid. Walang pagnanasa. Ang bata pa ni James!” Pareho namang umamin ang dalawa na talagang mas naging close sila ngayon dahil sa Pasion de Amor at naniniwala sila na mas magiging matatag ang foundation ng kanilang friendship sa pagpapatuloy ng kanilang teleserye sa ABS-CBN na meron na ngang book 2.

Ayon kay Ellen, hangga’t maaari ay ayaw na muna niyang pumasok sa bagong relasyon, gusto munang i-enjoy ang pagiging single matapos nga siyang makipag-break sa kanyang ex.

No comments: