Friday, September 11, 2015

Paulo kay Enrique: Dapat matuto tayo sa ating mga pagkakamali! Luis: Ang alak, nilalagay sa tiyan, hindi sa utak!




NGAYONG gabi ang Star Magic ball na gaganapin sa Makati Shangri-La Hotel, at iisa ang tanong ng lahat, magkasama kayang dadalo sina Enrique Gil at Liza Soberano.

Ito’y matapos ngang lu-mabas ang mga kuwento tungkol sa diumano’y paglalasing at pagwawala ni Enrique sa loob ng eroplano kasama ang mga kapa-milya sa Star Magic, kung saan sinigawan at minura raw ng binata si Liza?

Parang kailan lang ay excited at looking forward pa ang dalawa sa taunang Star Magic Ball dahil nga isa sila sa pinakamainit na tandem ngayon.

As of this writing ay wala pang official statement na inila-labas ang Star Magic tungkol sa gulong nangyari sa pagitan nina Enrique at Liza, kung saan nadamay din ang pangalan nina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Maging ang dalawa ay ayaw ding magbigay ng pahayag tungkol sa mga nangyari. Ilang beses na naming tinext at tinawagan sina Luis at ang manager ni Liza na si katotong Ogie Diaz, pero hindi pa rin sila sumasagot.

Ayon sa kuwento, nalasing daw agad si Enrique kahit konti pa lang ang naiinom na alak. Mahina raw kasi ang tolerance nito sa alcohol. At diumano, ang mga kasama nila sa nasabing flight na sina Paulo Avelino at Jake Cuenca ang nagbigay ng alak kay Enrique na ibinigay naman sa kanila ng flight attendant ng eroplano.

Sa ginanap na presscons ng pelikulang “Resurek
syon” at book 2 ng Pasion de Amor noong Huwebes ay hindi tinantanan ng entertainment press ang dalawang aktor para malaman ang totoong nangyari sa biyahe nila papuntang London para sa show na ASAP doon.

Itinanggi ni Paulo na may kinalaman siya sa paglalasing ni Enrique, “Yeah, as we all know, lagi naman, e. Ako, sa mga nasulat sa akin, everything is fabricated and, kumbaga, it’s not the real story.

Sa akin, kung gusto niyo sigurong malaman ang totoong istorya, mas okay na sigurong manggaling kay Enrique,” pahayag ng aktor.

Bagama’t sina Paulo at Jake ang nagbigay ng alak kay Enrique ay hindi na raw sagutin i-yon ng dalawa dahil sa edad ni Ken ay responsible na ito sa kanyang kilos.
“Well, I had nothing to do with it. It’s better talaga to wait for what for Enrique’s official statement,” ani Paulo. Ang payo naman ng binata kay Enrique, “Live life. Live life and learn from your mistakes. Go on with life. Mabait naman na bata si Enrique.”

Sabi naman ni Jake nang kulitin sa presscon ng Pasion de Amor tungkol sa isyu dahil nga isa siya sa nagbigay ng alak, “Explain ko ‘yan, nabasa ko ‘yan kaninang umaga lang, eh, madaling-araw lumabas ‘yan and sa totoo lang, nagulat ako.
Kasi talagang hindi ako involved sa issue. “In fact, natawa ako kasi parang nu’ng umaga lang, grabe, natuwa ako kasi parang binigyan ako ng best in behavior award ng handler (Allan Real) ko, ‘wow ha, behaved ka sa London, nagbago ka na, Jake, mature ka na.’

“Sabi ko, ‘Oo naman, kuya, ako pa ba?’ Sabi ko, iba na ako ngayon, ganyan,” sabi ng aktor. Dagdag pa, “Alam n’yo naman po, maraming beses na akong na-involve sa ganyang klaseng issues, pero malinis po talaga konsensiya ko, hindi po talaga ako involved (ngayon).

“And if for anything po, gusto ko lang pong sabihin na ako po ngayon, proud akong sabihin na – hindi ko kayang sabihin nagbagong-buhay ako, pero proud akong sabihin na dahil siguro sa girlfriend ko, marami akong habits na natanggal.
“Masayang-masaya po ako ngayon. So, nagulat ako sa issue, but I can’t blame them for involving me because that’s always the case.”

Dagdag pa ng aktor, “Andito po ako to promote Pasion de Amor na book 2 na at napakataas ng rating at nagpapasalamat ako at nandito kayo’t tinutulungan n’yong ipromote ang show namin. I can’t speak in behalf of anyone. Thank you.”

Actually, kung tutuusin nga naman, hindi dapat sina Paulo at Jake ang dapat magsalita sa nangyari kay Enrique kundi siya mismo dahil siya lang naman ang may problema. Tama naman ang sabi ni Luis, “Ang alak, inilalagay sa tiyan, hindi sa utak.”

Tungkol pa rin kay Paulo Avelino, natanong din siya kung may “resureksyon” bang nangyari sa kanila ng ex-girlfriend na si KC Concepcion nang magkita sila sa London, “Wala. Nagkita lang kami, nag-usap. That’s it,” tipid na sagot nito.
In fairness, maraming natuwa nang ma-post sa social media ang pagkikita ng ex-lovers, reaksiyon ni Paulo, “Sa akin kasi, there’s nothing more than you know. Nag-usap na naman kami, and that’s it.”



No comments: