Friday, September 11, 2015

Ellen tinawag na pabebe boy si Ejay: Pikon kasi siya!




“PABEBE boy” ang tawag ng Kapamilya sexy star na si Ellen Adarna sa rumored boyfriend niyang si Ejay Falcon.
Inamin ni Ellen sa presscon ng Pasion de Amor book 2 na halos lahat ng qualities na hinahanap niya sa isang lalaki ay na kay Ejay na kaya hindi imposibleng maging boyfriend niya ito.

Pero mariin niyang sinabi na wala pa talaga silang seryosong commitment ng hunk actor. “Tsaka sobrang bait. Parang babae minsan. In so many ways, he’s sensitive,” sey ni Ellen habang nangingiti lang si Ejay sa kanyang kinauupuan during the presscon.

Ayon pa kay Ellen, cute naman daw ang pagiging sensitive ni Ejay, talaga lang daw mabilis itong mapikon, “Kasi ako, mahilig akong mang-asar.
Minsan inaasar ko siya. Hindi ko naman intention to hurt him. Tapos minsan nagtatampo-tampo siya sa mga ganyan. Pabebe boy!”


“Getting to know each other pa lang kami ni Ejay. Tapos lumalabas kami. Yun lang. Tsaka hindi pa ako ready kasi kaka-break ko lang ng ex-boyfriend ko, e,” esplika ng dalaga. Dugtong nito, “But everything is possible naman.”

In fairness, ilang beses na rin daw nakapunta sa bahay niya si Ejay. Sa katunayan, ito pa raw ang tumulong sa kanya na mamili ng mga gamit para sa bago niyang apartment.
“Oo, kasi nu’ng time na yun, nagloko yung driver ko. Tapos magka-text kami, ‘Anong plano mo today?’ Sabi ko, ‘Kailangan ko bumili ng gamit-pangbahay. I need a hand.’ So, yun, tinulungan niya ako.”

Samantala, handang-handa na rin sina Ellen at Ejay para sa Star Magic Ball ngayong gabi na gaganapin sa Makati Shangri-La Hotel. Ito ang unang pagkakataong makakadalo si Ellen sa annual event ng Star Magic. Si Ejay ang magiging escort niya tonight.

No comments: