Saturday, September 19, 2015

Willie: Mas OK yung true love tsaka true cash!





Hindi naniniwala si Willie Revillame na sapat na ang pagmamahal sa isang relasyon para magkaroon sila ng tinatawag na “forever”.

Kahapon sa interview ni Joey de Leon para sa pilot episode ng CelebriTV (kapalit ng Startalk), natanong si Willie kung kaya niyang isakripisyo ang kanyang kayamanan sa true love, nagpakatotoo lang sa kanyang sagot ang TV host-comedian.

Sey ni Willie, “Aanhin mo ang true love kung wala ka namang pera? Kasi di ba, anong gagawin n’yo, magtititigan lang maghapon, tapos mag-aanak lang kayo nang mag-aanak, paano n’yo bubuhayin ang mga bata kung wala kayong pera? Mas maganda kung may true love ka na, may true cash ka pa!?”



No comments: