Saturday, September 19, 2015

Vice, Vhong, Billy maglalaban-laban sa MMFF 2015





Nakipag-meeting na ang manager at mommy ni Alex Gonzaga na si Mommy Pinty sa executives ng ABS-CBN last week. Masayang ibinalita sa amin ni Alex ang dalawang pelikula na gagawin niya this year.

Una na ang pelikula na kalahok sa upcoming Metro Manila Film Festival na may tentative title na “Bury Now Pay Later.” Makakasama ni Alex sa movie ang It’s Showtime hosts na sina Billy Crawford at Vhong Navarro.

At ang isa pa, ang launching movie ng tandem nila ng mahusay na aktor na si Edgar Allan Guzman. Hindi lang namin sure kung ipapasok pa rin sa movie si Maxene Magalona na naging “ka-loveteam” naman ni EA sa first season ng Your Face Sounds Familiar.
Mukhang matindi ang labanan sa comedy genre among the official entries ng MMFF this year, huh! Maging ang magkakaibigan at magkakasama sa It’s Showtime” a sina Vice Ganda, Vhong and Billy ay maglalaban-laban sa MMFF.
And speaking of It’s Showtime, hindi lang trending topic ang masasabi naming social media’s “hugot princess” na si Pastillas Girl kundi laman na rin siya ng kwentuhan sa mga eskwelahan, karinderya at gimikan.

Natutukan namin ang unang araw nang pagbabalik ni Pastillas Girl pagkatapos namin siyang mapanood nu’ng una nang humingi siya ng love advice kay Madam Bertud (Vice Ganda).

Nag-viral ang kanyang “hugot cooking lesson” sa social media kaya pinabalik siya ni Vice, hanggang sa humaba na nang humaba ang portion nito sa Showtime.
At sa tinaguriang Tweetserye ng programa titled “Nasaan Ka Mr. Pastillas”, tinulungan nina Vice si Pastillas Girl na mahanap ang kanyang Pastillas Boy na araw-araw ding nagte-trending topic sa Twitter.
Dahil diyan, marami ang nagsasabi na nakahanap na si Vice nang pwedeng ipangtatapat sa sikat na sikat na kalserye ng Eat Bulaga na pinangungunahan nina Alden Richards at Yaya Dub.
Kung hanggang saan hahantong ang paghahanap kay Mr. Pastillas para kay Ms. Pastillas, ‘yan ang dapat tutukan.



No comments: