Saturday, September 19, 2015

Andi bibida sa bagong version ng ‘Angela Markado’, Polo Ravales isa sa mga rapist





NAGHIHINTAY ang hunk actor na si Polo Ravales sa labas ng ELJ Building (ABS-CBN) nu’ng magkasalubong kami kamakailan. Hinihintay niya ang kanyang sundo na production staff para sa isang pre-production meeting for his new show sa Kapamilya network.
So, nagkumustahan kami and from his end he revealed to us na may ginagawa siya ngayong pelikula. Isa siyang rapist sa remake ng Lino Brocka’s movie na pinagbidahan ni Hilda Koronel, ang “Angela Markado.”
This time, ang unwed mother na si Andi Eigenmann ang gaganap sa remake ng “Angela Markado.” Sinu-shoot na ang movie at malapit nang matapos under Viva Films. Ang isa sa original writers ng “Angela Markado” turned action director na si Toto Natividad ang nagdidirek ng pelikula.

Isa lang si Polo sa mga rapist ni Angela, may iba pang hunk actors na binaggit sa amin pero nabura agad sa aming isipan. Happy kami for Polo kasi maganda naman pala ang takbo ng kanyang showbiz career. Hindi na nga namin siya nausisa regarding his lovelife.
Hopefully, magkita ulit kami ni Polo one of these days. Isa rin si Polo sa mga naging favorite young artists ng Viva noon bilang kalabtim ni Sunshine Dizon.



No comments: