Saturday, September 19, 2015

Halikan nina James at Nadine sa ‘On the wings of Love’ walang daya




MAGKAHALONG kilig at saya ang nadama ng fans, netizens, at pati celebrities ng mapanood ang first real kiss ng mga karakter nina James Reid at Nadine Lustre na sina Clark at Leah noong Huwebes sa Most Approved Kiss episode ng On The Wings of Love.

Matapos mabitin sa muntik ng halikan nina Clark at Leah sa “Most Kilig Night Ever” episode noong nakaraang linggo, natupad na rin ang hiling ng mga fans na makitang mag-kiss sina Clark at Leah hindi lang isa, kundi maraming beses.

“Ang point ng Most Kilig Night Ever episode ay bitinin ang fans para ma-hype at aba-ngan nila ang totoong kiss nina Clark at Leah,” pahayag ni James sa interview ng ABS-CBN.
Base sa datos ng Kantar Media noong Setyembre 17, nakakuha din ang On The Wings Of Love Most Approved Kiss episode ng national TV rating na 24.8%, ang pinakamataas na rating ng show ngayong buwan.
Bumuhos din ang 2 million tweets mula sa fans gamit ang hashtag na #OTWOLMostApprovedKiss na naging worldwide trending topic.

Maliban sa tweets, nagbahagi rin ng videos ang fans ng On The Wings Of Love sa social media na nagpapakita ng kanilang pagtili habang pinapanood ang kiss nina Clark at Leah.

Nakisama din sa Twitter ang mga celebrities tulad nina Bianca Gonzalez, Myrtle Sarrosa at John Lapus sa pag-tweet ng kanilang kilig reactions habang pinapanood ang Most Approved Kiss episode.

Binahagi din nina Nadine at James at TV Patrol interview na umabot na hanggang London ang OTWOL fever at tinatawag na sila ng kanilang fans na Clark at Leah noong ASAP 20 Live in London.

“Nakakatuwa na pati mga Pilipino abroad ay sumusubaybay sa aming show. Sobrang unexpected lang nito at thankful kami sa suporta nila,” ani James.

In fairness, totoong-totoo ang halikan ng dalawa, walang daya. Ibig sabihin, wala talagang kaarte-arte ang magka-loveteam at handa silang gawin lahat para mapaligaya ang kanilang fans.

Sa susunod na Linggo, mapapanood naman On The Wings Of Love ang Sweetest Night Ever kung saan mayroong nakakakilig na moment sina James at Nadine sa ulan.
Napapanood pa rin ang On the Wings Of Love sa Primetime Bida ng ABS-CBN after Pangako Sa ‘Yo.

No comments: