Sunday, September 6, 2015

Ser Chief ingat na ingat magsalita, takot madamay sa iskandalo ng INC



Kasama pala ang aktor na si Richard Yap sa big-budgeted movie na “Felix Manalo” ng Iglesia ni Cristo. Kaibigan ni Felix ang role ni Richard sa movie.

Ang kaibigan daw na ‘to ni Felix ang tumulong kaya nakaupo ito as head ng INC, “Ako ‘yung nag-nominate ng ano niya, kasunod niya, ‘yung tagapagmana niya. Ako pala ‘yung may kasalanan,” sabay tawa ni Richard.

Dinaan na lang ni Richard sa biro ang sagot kasi nga napaka-sensitive nga-yon ng isyu tungkol sa INC. 

But seriously, may mga natutunan naman si Richard about INC sa ilang araw na pagsu-shoot niya ng movie.
“Well, so far sa narinig ko ma-ano naman sila, they’re vey clannish. Tinutulungan nila ang isa’t isa, ‘yung mga members. And they always look out for each other also, marami silang benefits, e, if you work within the church,” lahad niya.

Samantala, umapir na on TV ang karakter ni Richard sa top-rating afternoon drama series ng ABS-CBN na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Siya si Carlo na dating childhood friend ni Cecilia na ginagampanan ni Vina Morales.

Ngayong nagkita na ulit sina Richard at Vina sa set, we wonder kung may ilangan factor na sa kanilang dalawa after he made the announcement na crush niya noon ang singe-aktres.

Habang inaabangan naman kung my kissing scene si Vina at Richard sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Ang karekter kasi ni Richard na si Carlo sa serye isang married guy at may isang anak.

Kaya kung paano at kailan magi-ging sila ni Vina sa serye, ‘yun ang malalaman sa mga susunod na episodes ng nasabing serye sa Kapamilya Gold.



No comments: