Sunday, September 6, 2015

Coleen Garcia sumakay ng MRT, nilait-lait ng mga bashers





Sumakay sa public transportation si Coleen Garcia para hindi siya mahuli sa kanyang appointment, nag-MRT siya. Ang lokah, ipinost sa social media ang photo niya kasama ang MRT commuters, ayun puro pamba-bash ang inabot niya.

Merong nagsasabing promo lang ang ginawa niya dahil sho-wing pa ang “Ex With Benefits” movie niya with Derek Ramsay na kumita ng P8 million on its first day.

Mahina raw ang movie niya kaya kailangang umisip ng gimik at ang pagsakay nga ng MRT ang naisip daw ni Coleen. Kaloka ang mga bashers niya, ha.

“Ewan ko sa mga artista na sumasakay jan kelangan pa talaga picturan. After how many years pag wala na ningning mga bituin nyo, di naman kayo mag pipicture pag sasakay jan eh.”

“Anuuuuviiiih? Alam na nga kung gaano ka trapik di dapat may allowance talaga sa biyahe at aalis ng maaga. Bumenta na yang sasakay ng MRT kuning ku-ning.”

“Pansin ko lang pag may show or movie nag MRT… in short PROMO.” Kaloka ang mga nag-comment, ha. So, kapag artista ka pala ay wala ka ng karapatan sumakay sa public transportation? Hindi ba puwedeng alternative ang MRT sa matinding trapik? Ang hirap kasi sa mga tao, masyadong mapanghusga. Parang bawal ang artista na sumakay sa MRT.



No comments: