Sunday, September 6, 2015

Horoscope, September 07, 2015 by Madam Sophia


Horoscope, September 07, 2015
By Madam Sophia

Para sa may kaarawan ngayon: Higit sa inaasahan ang makakamit! Biglang madodoble ang kita. Sa pag-ibig, sopresa ang magaganap, kakaibang init at sarap ang ipadadama ng kasuyo. Mapalad ang 4, 10, 22, 34, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhama-Aum-Yoti.” Orange at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Alalahaning hindi pangmatagalan ang saya at nauubos din ang pera. Sa pag sa-save higit na mas magiging maligaya. Sa pag-ibig, hangga’t hindi pinapatawad ang kasuyo, hindi magiging maligaya ang darating na kapaskuhan. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa negosyong may kaugnayan sa pagkain mas malaking halaga ang kikitain. Sa pag-ibig, wag paki-alaman ang kasuyo – magsasawa din yan sa mali niyang ginagawa. Mapalad ang 5, 9, 27, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at red ang buenas

Gemini – (May 21-June 21)—Konsentrasyon ang dapat! Kapag nag-concentrate sa dalawang bagay lang, pera at seryosong relasyon, uunlad ka na at habang buhay liligaya. Mapalad ang 5, 14, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vah-Weh.” Gray at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Hindi dapat magtiwala sa mga taong madadaldal! May babala na mara-racket ka na naman. Isipin ng sampong beses bago maglabas ng salapi. Sa pag-ibig, pagbawalan ang kasuyo na makipag-transaksyon sa isang Leo. Mapalad ang 3, 15, 23, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Om-Kaliyuga.” Orange at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Wag ng damdamin ang napurnadang relasyon. Maging masaya ka sa kasalukuyang kasuyo. Sa pinansyal, simulan na ang negosyong noon mo pa naiisip – kalakal na may kaugnayan sa undas – kandila at mga bulaklak. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Gold at silver ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Lagi maglagay ng antique na silver coin sa iyong wallet o bulsa. Ang talismang iyan, ang hahatak ng mas maraming pera. Kung reregaluhan ka ng kayuso mo ng silver na alahas, mas lalo kang susuwertehin at liligaya. Mapalad ang 5, 17, 23, 29, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghoh-Phalah-Goh.” Bukod sa silver ang blue ay buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Malaki ang maitutulong ng isang kaibigang malaki ang tiyan. Siya ang dapat mong lapitan. Sa pag-ibig, sa isang medyo kayumangging nilalang, matatagpuan ang true love. Mapalad ang 4, 14, 26, 31, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Maigate-Om.” Lilac at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Panahon na upang mag isip na dagdag pang pagkakakitaan upang mas mabilis na umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ipaliwanag sa kasuyo na isa lang ang kapalaran ng isang taong matipid at mukhang salapi – ang yumaman. Mapalad ang 5, 18, 23, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bodha-Aum-Dhipana.” Green at violet ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kapag lagi kang tahimik, may babala ng karamdaman. Ang pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan ay mabisang therapy. Sa pag-ibig at pinansyal, wag pagdamutan ang kasuyo, baka hindi ka na naman nya kibuin. Mapalad ang 2, 16, 19, 21, 26, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Maneh-Om.” Lilac at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Malayo man ang mahal sa buhay, hindi dapat padala sa kalungkutan! Puwede ka namang mag-internet o mag-facebook paminsan-minsan. Iwasang gumawa ng ka-imoralan upang magtuloy-tuloy ang isang buo at masayang pamilya. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Upanisad-Aum-Jiva.” Red at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— May bagong pag-ibig na darating habang papalapit na ang All Saints’ Day. Kung ang relasyong mabubuksan ay magdudulot ng kaimoralan, agad mo itong iwasan, – gastos lang yan! Bukod sa Libra, aakitin ka rin ng isang Sagittarius. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Gray at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ituloy ang balak na paglalakbay. Pagkakataon mo ng makapag-abroad. Sa malayong lugar mas aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang romansa at pag la-loving-loving sa malayong lugar. Mapalad ang 3, 9, 23, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Red at blue ang bueanas.

No comments: