Tuesday, September 1, 2015

Kylie: Wala kaming relasyon ni Julian Trono, bata pa yun!





WALANG dyowa ngayon si Kylie Padilla. Pero maligaya raw siya bilang “single lady”. “Masaya ako! Maraming trabaho, maganda yung show, maganda ang ratings,” ang simulang chika ni Kylie nang bisitahin ng ilang piling miyembro ng entertainment press sa taping ng afternoon series ng GMA 7 na Buena Familia sa New Manila, Q.C.. 

Siya ang gumaganap na Celine Buena sa nasabing soap na ampon nina Bobby Andrews at Angelu de Leon.
Natanong si Kylie kung sino ang inspirasyon niya ngayon matapos siyang makipag-break sa last boyfriend niya, “Sino nag-i-inspire sa akin? Siguro wala, siguro gusto ko lang mag-improve, ganyan.

“Sana mag-improve pa ‘ko sa pag-arte, na galingan ko pa dito sa show.” May gusto pa ba siyang ma-improve sa kanyang personality? “Simple lang naman. Gusto ko lang, bago matulog, alam ko na marami akong napasaya. Yun lang.”

Umamin naman si Kylie na nakikipag-date pa rin siya, “Yung iba, hindi showbiz.” Pero tumangging pa- ngalanan ng dalaga ang aktor na nakaka-date niya ngayon, “Wala pa kasi, mamaya bigyan ng ano, e,” tumatawang pag-iwas ng anak ni Robin Padilla.

Pero hindi raw si Martin del Rosario iyon, magkaibigan lang daw talaga sila at magkatrabaho sa Buena Familia. At lalong hindi raw si Julian Trono na itinuturing din niyang lalaking bestfriend.

Pero inamin niyang lumalabas din sila at nanonood ni Julian ng sine. Magkapatid ang papel nila ni Julian sa Buena Familia at mas matanda ng six years ang aktres kay Julian.
“Parang kapatid ko lang yun. Ano kasi, e, kung paano kami mag-isip, parehas kami. Parehas kaming mahilig magsulat, ganu’n. So nu’ng nagkatrabaho kami dito sa Buena Familia, magka-vibes na agad kami,” depensa ng dalaga.

Hindi rin daw nanliligaw sa kanya si Julian. “Bata pa siya!” Samantala, mas lalo pang tumitindi ang mga kaganapan sa Buena Familia kung saan kasama rin sina Sheryl Cruz, Jake Vargas, Julie Anne San Jose, Mona Louise Rey, Tessie Tomas at marami pang iba, sa direksyon ni Gil Tejada, Jr..

No comments: