Tuesday, September 1, 2015

Hanap ni Regine: Yung kikiligin ang tao!




DREAM. Believe. Survive. Again!
Yes, muli na namang mapapanood ang original artista search ng GMA 7 na StarStruck simula sa Sept. 7 bago mag-24 Oras with 35 young hopefuls na siyang maglalaban-laban para sa titulong Ultimate Survivors.

Starstruck Season 6 will be hosted by GMA Primetime King Dingdong Dantes and Miss World 2013 and StarStruck Season 2 Avenger Megan Young.

Sa nakaraang presscon ng StarStruck para sa mga hosts nito, at sa council (judges) sinabi ni Dingdong na panibagong challenge na naman ito hindi lang sa kanya kundi maging sa iba pa niyang kasamahan sa show, lalo na sa mga judges.
Inamin ni Dong na may soft spot sa puso niya ang Starstruck kaya tuwang-tuwa siya na maging host uli nito. “More than 10 years na siya, ang dami nang mga buhay ang na-touch ng StarStruck, especially mine.

At proud ako to be part of it so that whenever something like this is born again, siyempre I would like to be part of it,” sey ng mister ni Marian Rivera.

Ayon naman kay Megan, “Being able to have the chance to witness the journey of the contenders is a humbling experience for me. Starstruck opened a lot of opportunities for me.

And now that I’m one of the hosts, I’m excited to guide them to reach their ” Ang mga napili namang segment hosts ng StarStruck Season 6 para magbigay ng daily updates tungkol sa mga pagdaraanang challenges ng mga artista hopefuls ay ang mga StarStruck alumni na sina: Season 1 Ultimate Male Survivor Mark Herras, Season 5 Second Prince Rocco Nacino, Starstruck Kids First Prince Miguel Tanfelix, and Season 4 Ultimate Female Survivor Kris Bernal na siyang magiging social media correspondent.

Ang bubuo naman sa Council na magsisilbing judges ay sina Starstruck Season 1 Ultimate Female Survivor and award-winning actress Jennylyn Mercado, TV host-comedian Joey de Leon, Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at si Dingdong Dantes.

Ayon kay Regine, ang isa sa mga hahanapin niya sa mga artista hopefuls ay, “Sa opinyon ko, isa sa mga bagay na dapat mayroon ka ‘pag artista ka o para sumikat ka is ‘yung personality.”
Hirit pa ng Songbird, “Yung ‘pag nagsalita ka, ‘yung kinikilig ‘yung mga tao at natutuwa sila sa ‘yo kahit hindi ka naman masyado magaling magsalita pero endearing ka sa kanila, so I think I have to look for that also.”

Dagdag pa niya, “Tsaka siyempre yung Star quality, but we will know that when we see the contestants.” Nabanggit nga sa presscon ang kasikatang tinatamasa ngayon ni Alden Richards na hindi pinalad makapasok noon sa finalists ng Starstruck pero umaariba ang career ngayon matapos maging re- gular host sa Eat Bulaga at maging ka-loveteam ni Yaya Dub o Maine Mendoza.
Sabi ni Dingdong, proud na proud siya sa tagumpay ngayon ni Alden, noon pa raw talaga ay nakitaan na niya ang binata ng dedikasyon at sinseridad sa kanyang trabaho.
Kaya nga nu’ng malaman niyang makakatambal ni Marian noon si Alden sa seryeng Carmela ay isa siya sa natuwa at na-excite.

At umaasa siya na sa pagsisimula ng Starstruck ay makakita pa sila ng mas maraming kabataan na maaaring maging bahagi ng Kapuso network sa pagpapasaya ng mga tao.




No comments: