Tuesday, September 1, 2015

Alden biglang naging yummy sa panlasa ng mga bading nang dahil kay Yaya Dub




Mula nang sumikat ang AlDub ay mas tumaas ang interes ng mga kapatid nating beki kay Alden Richards. Pakiramdam namin ay si Alden ang pinakaguwapo at papalicious na aktor ngayon para sa kanila.

Tingnan mo nga naman ang suwerte kapag dumating, matagal na rin namang nag-aartista si Alden, pero isang aksidente pang pangyayari ang naging dahilan ng pagtaas ng kanyang career.

Akalain mong ipanganak nang hindi inaasahan ang tambalan nila ni Yaya Dub? Walang nagkaisip na ganito katindi ang magiging dating ng kanilang tambalan ni Maine Mendoza na bawat galaw nila ngayon ay tinututukan ng publiko.

Hindi pa sila nagkikita nang personal sa lagay na ‘yan, hanggang sa TV screen lang muna ang kanilang komunikasyon, pero napakainit na ng pagtanggap ng ating mga kababayan sa AlDub.

Mahihirapan na silang habulin ng kanilang kakumpetensiya sa tanghali, napakalayo na ng kanilang pagitan sa usapin ng rating, milya-milya na ang layo ng Eat Bulaga sa It’s Showtime.

Kahit pa siguro makunan si Vice Ganda na bumabale-balentong mula sa Monumento hanggang sa Baclaran ay hindi pa rin aabutin ng kanyang programa ang matinding tagumpay ngayon ng Eat Bulaga kung saan napapanood ang kalyeserye nina Alden at Yaya Dub kasama siyempre ang magaling na tambalan nina Wally Bayola at Jose Manalo.

No comments: