Sunday, August 9, 2015

Tom plano nang layasan ang showbiz: Pero sinugalan talaga ako ng GMA!


DIRETSONG sinabi ni Tom Rodriguez na mas sumikat at nagkapangalan talaga siya nang lumipat siya sa GMA 7.

Ayon sa Kapuso hunk actor tumatanaw siya ng utang na loob sa ABS-CBN ngunit ang GMA daw talaga ang nagbigay ng ikalawang pagkakataon sa kanya sa showbiz.

Ayon kay Tom, talagang plano na niyang mag-give up sa kanyang career dahil feeling niya, hindi para sa kanya ang showbiz.

Ang balak sana niya ay bumalik na sa States para doon humanap ng bagong career, pero dumating nga ang offer ng GMA at muli siyang sinugalan.
Naging phenomenal hit ang unang primetime series nila nina Dennis Trillo at Carla Abellana na My Husband’s Lover.

Mula nga noon ay nagtuluy-tuloy na ang magandang career ni Tom sa Kapuso network. At ngayon nga ay muli siyang mapapanood sa primetime ng GMA – siya ang makakatambal ni Miss World 2013 Megan Young sa bagong version ng Marimar bilang si Sergio SantibaƱez, na magsisimula na bago ma- tapos ang buwan.

Nakausap namin si Tom sa pocket presscon na ibinigay ng Siyete sa kanila ni Megan para sa Marimar at dito nga niya sinabi na kung hindi dahil sa pagsugal ng GMA sa kanya maranil ay wala na siya sa showbiz.

In fairness, dahil sa sunud-sunod na projects niya sa Kapuso ay nakabili na siya ng sariling condo at bagong kotse. Alam n’yo ba na walang bisyo si Tom kaya mabilis siyang nakaipon at nakapagpundar ng properties?

Wala rin siyang night life dahil mas gusto niyang gamitin ang kanyang free time sa makabuluhang mga bagay tulad ng pag-aaral ng specialization sa science, math at iba pa.
Samantala, pangako ni Tom, gagawin niya ang lahat para mabigyan ng hustisya ang role niya sa Marimar bilang Sergio, ang lalaking iibig sa kagandahan at kaseksihan ni Megan bilang si Marimar.

Todo-todo na nga ang ginagawang pagpapaganda ng katawan ng binata, bukod pa sa tuluy-tuloy na acting workshop kasama ang iba pang cast members ng serye.
Sey pa ni Tom, mabilis lang silang nagkapalagayan ng loob ni Megan dahil magka- kilala na sila noon pa, at nagkatrabaho na rin in the past, “Noon pa, 2011 magkakilala na kami, hindi lang kami close.

Pareho na kaming excited sa Marimar and we are hoping na susuportahan din nila ang version namin tulad ng pag-support nila noon kina Primetime King and Queen Dingdong and Marian.”

Sa Aug. 24 na magsisi- mula ang Marimar sa GMA Telebabad kapalit ng Pari ‘Koy, at makakasama rin nila rito sina Jaclyn Jose, Zoren Legaspi, Lauren Young, and Alice Dixon.

Nandiyan sina Nova Villa, Tommy Abuel, Carmi Martin, Ina Raymundo, Ricardo Cepeda,Jaya, Cris Villanueva, Dion Ignacio, Frank Magalona, Ashley Cabrera at si Boobay na siyang magbibigay ng boses sa asong si Fulgoso. Ito ay sa direksiyon ni Dominic Zapata.

No comments: