Sunday, August 9, 2015

Sigaw ng Bashers kay James: Puro babae ang inaatupag, sustentuhan mo muna si Bimby!



PBA superstar James Yap’s relationship with his girlfriend Michela Cazzola is not on a shaky ground as rumored. Actually, sweet na sweet pa nga sila as shown in the series of photos which James posted on his Instagram account.

Nagliwaliw ang magdyowa sa bayan ni Michela sa Italy. Sinamantala ni James ang break sa basketball para mag-bonding sila ng dyowa niya sa Italya.
Proud na proud na ipinost ni James ang sandamakmak na photo nila na kuha sa bansang sinilangan ng dyowa niya. May shot habang namamasyal sila, habang nagsu-swimming, nagbi-biking.

Meron ding photos kung saan ipinakita sila dining together with some friends. Obviously, masaya ang dalawa sa kanilang relasyon.

Kaya lang, merong nagbasag ng trip ni James nang mag-react ito negatively and said, “You know that it is a father’s obligation to give financial support to his child.
So why don’t you? It is the most noble and only the RIGHT thing to do, not only as a father but as a MAN. “Magbigay ka naman sa anak mo.

Nakakahiya not only sa mata ng tao, pero sa mata ng anak mo and sa Diyos. Gain back your self respect. Start giving your support. You owe it to your child.”
May kinalaman ang message ng basher sa recent revelation ni Kris Aquino na hindi nagbibigay ng sustento si James sa anak nilang si Bimby.

Kaagad namang ipinagtanggol si James ng isa niyang follower who said, “Kaya naman magbigay ni James ng financial support. Malaki din kinikita niya.
Hindi natin alam ano real reason bakit ganon kaya wag na lang po makialam.” Super nega ang naging dating ng pahayag ni Kris na hindi nagbibigay ng sustento si James sa anak nilang si Bimby.

Mas marami pa rin ang naniniwalang nagbibigay naman ang basketball player kaya lang ay inaayawan iyon ng Queen of Talk dahil kayang-kaya naman niyang buhayin ang kanyang anak.

Actually, napabalitang on the rocks ang relationship ni James sa kanyang GF nang mag-post siya ng isang message sa salitang Bisaya which when translated in Tagalog means, “Kung ang pag-ibig ay dumating sa puntong masakit na, pakawalan mo na at isalba mo na ang iyong sarili.

Tandaan na may makikita ka pang ibang mamahalin pero hindi ka na makakakita ng ibang ikaw.”

No comments: