Sunday, August 9, 2015

Kathryn nagpaseksi sa bagong pictorial; Daniel tulo-laway




MAY pagka-daring ang pictorial ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo para sa bago niyang endorsement, pero agad na nilinaw ng dalaga na wala naman siyang planong magpaseksi nang bonggang-bongga.
In fairness, isa sa mga top trending topic nu’ng Sabado ng gabi ang pagrampa ni Kathryn sa press launch ng kanyang newest endorsement, ang Primadonna shoes na dinaluhan din ng ilang executives ng ABS-CBN at ng kanyang loyal fans. Si Raymond Gutierrez ang nagsilbing host ng event.

Maraming natuwa at nagandahan sa mga litrato ng rumored girlfriend ni Daniel Padilla na inilabas ng Primadonna during the press launch, bukod kasi sa napakasosyal ng mga kuha ng photographer na si BJ Pascual ay napakaseksi pa nito at class na class.

Sey ni Kathryn, hindi naman daw talaga sexy ang atake ng pictorial niya sa Primadonna, “Parang fashion statement lang siya, tsaka maganda naman po yung pagkakagawa, so happy naman ako sa kina- labasan.
For me, bagay na bagay siya sa mga shoes na sinusuot ko. And for me hindi siya pangit tingnan.”

Pero feeling namin sa mga lumabas na litrato ng dalaga ay mas nahumaling pa si Daniel sa kanyang ka-loveteam.
Sure na sure kaming tutulo ang laway ng binata kay Kath. Dagdag pa ng dalaga, tinanggap niya ang nasabing endorsement dahil naniniwala siya sa quality ng produkto.

At talaga raw ginagamit niya ito sa kanyang mga proyekto. Aniya, lahat naman ng kanyang ine-endorse ay ginagamit o kinakain niya, ayaw daw niyang lokohin ang madlang pipol, na nag-e-endorse siya ng isang produkto pero hindi niya naman ginagamit.

At dahil nga sa naganap na press launch, ang hashtag na #KBxPD ay mabilis na nag-trending sa Twitter, ang mga kuha naman ni Kathryn habang rumarampa sa stage ay agad na kumalat sa iba pang social media.




Ayon kay Kathryn, swak na swak sa kanya ang bago niyang endorsement dahil talag

ang mahilig siya sa sapatos. Nagustuhan niya raw ang Primadonna dahil bukod sa classic chic na style nito ay kumportable pa ito sa paa kahit na may “heels”.

Pwedeng-pwede raw itong gamitin sa pormal at casual occasion. Samantala, dahil nasa legal age na si Kathryn, natanong siya kung boboto na ang dalaga sa darating na 2016 elections, “Yes, 19 na ako and this is the first time na boboto ako, and I’m really excited kaya dapat special ito kaya talagang paghahandaan ko ito, kasi I believe na dapat seryosohin ng bawat Filipino ang pagboto.”

Anu-ano ang considerations niya sa pagpili ng iboboto nita? “Siyempre dapat yung feeling ko na sincere sa pagse-serve sa bansa natin, yung tingin ko na honest at may puso talaga sa pagsisilbi sa mga tao.

And of course yung hindi corrupt at kung sino yung mapag-uusapan ng family ko.” Willing ba siyang maging celebrity endorser ng isang presidential candidate? “Sa pagkakaalam ko, sa Star Magic parang hindi pwedeng mag-endorse ng candidate.

Pero yung sa akin, kung sino yung pinaniniwalaan ko yun ang iboboto ko.” Hindi rin daw iimpluwensiyahan ni Kathryn ang milyun-milyong fans nila ni Daniel pagdating sa politika, “Wala naman akong karapatan para diktahan sila pagdating sa bagay na yan.
May kanya-kanya tayong paniniwala at ayoko naman silang pilitin sa isang bagay na ayaw naman nila. So, nasa kanila ‘yun, it’s their choice.”

Wala namang nararamdamang selos ang Teen Queen sa bagong kasama nila sa seryeng Pangako Sa ‘Yo na si Sarah Carlos, ang gumaganap na Bea Bianca at magiging kaagaw ni Kathryn as Yna kay Daniel Padilla bilang si Angelo.

Ayon sa dalaga, mabilis silang nagkapalagayan ng loob dahil magaling namang ma- kisama ang baguhang youngstar. Hindi naman daw siya nagseselos kapag nakakaeksena ni Daniel si Sarah.

Dagdag pa ni Kath gina-guide pa nga raw nila ni Daniel si Sarah sa kanilang mga eksena. “Maraming-marami pa silang kailangang abangan sa Pangako Sa ‘Yo, lalo na ngayong dumating na si Bea Bianca, tutukan n’yo kung ano yung magiging pagbabago sa buhay nina Yna a Angelo sa pagdating ni Bea.

Tsaka siyempre, kailangan din nilang abangan yung mangyayari sa muling pagkikita nina Amor Powers (Jodi Sta. Maria), Madam Claudia (Angelica Panganiban) at Sir Eduardo (Ian Veneracion),” chika pa ni Kathryn.

Actually, atat na atat na ang viewers sa mga pasabog nina Jodi at Angelica sa PSY (na nananatiling number one sa ratings game), gusto nang masaksihan ng manonood ang kanilang mga catfight sa serye.

Tiyak na magkakaroon na naman ng Team Amor at Team Claudia once na magsimula na ang pisikalan nilang mga eksena.

No comments: