Sunday, August 9, 2015

Heart hiyang-hiya kay Lovi nang makipaglaplapan kay Rocco


NGAYONG gabi na magsisimula ang bagong primetime teleserye ng GMA 7, ang Beautiful Strangers na pagbibidahan ng mag-BFF na sina Heart Evangelista at Lovi Poe.

Inaasahang acting showdown ang magaganap sa pagitan ng dalawang Kapuso actress sa nasabing soap opera kung saan makikipagta- gisan din sa aktingan sina Boyet de Leon at Dina Bonnevie.

Pero ayon kay Heart, sa pag-uumpisa ng Beautiful Strangers ay wala pa siyang masyadong pasabog, aniya, “Wala siyang masyadong challenge, to be honest, kaya happy ako.

“Of course, may challenge when I kind of step back, fight back, lalaban na ako. Pero yung challenge talaga sa umpisa, na kay Lovi, na ang karakter ay nagbaliw-baliwan.

Talagang taong-grasa ang peg niya rito. Siya talaga ang kawawa, hirap na hirap siya,” chika ni Heart nang makachika ng press sa ginanap na grand launch kamakailan ng Beautiful Strangers.

Nilinaw naman agad ng misis ni Sen. Chiz Escudero na hindi sila magkapatid sa kuwento ni Lovi, akala raw kasi ng viewers ay mag-sister sila dahil sa ipinalalabas na trailer sa GMA.

Sey ni Heart, “Sobrang strangers kami, we don’t know anything about each other. Pero dahil sa tadhana, nagkita kami at natulungan ko siya.

“Magiging magkaibigan kami, parang magkapatid at magiging rivals kaming dalawa. Totally different, pero gusto namin ‘yan.

“Nabibigyan kami ng mga eksenang nagsasampalan. The more passionate, the more we want. Kasi, siyempre as an artist, that’s what you look forward to,” kuwento pa ng aktres.

Chika pa ni Heart, sa first few weeks ng serye si Lovi talaga ang magmumukhang kontrabida, kaya medyo gray daw ang mga roles nila rito, “That will make it relatable kasi lahat naman tayo, meron tayong gray side.

Meron tayong moment na kailangan nating lumaban. “Siya siguro sa umpisa, then lalaban din ako eventually,” esplika pa ng Kapuso actress.
Inamin naman ni Heart na talagang nailang siya sa mga kissing scene nila ni Rocco Nacino sa Beautiful Strangers na gumaganap na boyfriend niya sa kuwento, siyempre, lagi raw kasi niyang naiisip na ang hinahalikan niya ay ang boyfriend ng best friend niya.

“Awkward-awkward talaga. Si Lovi mas lalong nag-awkward. Pero sobra naman ang pinagsamahan namin ni Lovi, it doesn’t really bother us.

“Lalo na siya, she’s very open to these things, tumatawa lang siya. Meron kaming eksenang ginawa na nakita niya kaming naghahalikan, nakaka-awkward.

Pero wala naman sa kanya yun,” paliwanag ni Heart. Kung minsan nga raw ay nagkaka-okrayan sila sa set kapag may intimate scenes sila ni Rocco, “Oo, grabe! Naglolokohan.

Nahalikan na rin kita, parang ganu’n!”  Natanong din si Heart kung feeling ba niya ay naiilang din si Rocco sa halikan nila, “Parang hindi naman siya naiilang.”

Tingin ba niya na-enjoy ng binata ang kissing scene nila? “Hindi naman. Artista naman siya, e. Ako naman kasi, pagdating sa ganyan, hindi ko naman siya boyfriend, nahihiya ako siyempre.”

Makakasama rin sa Beautiful Strangers sina Benjamin Alves, Dianne Medina, Ayen Munji-Laurel, Emilio Garcia, Lovely Rivero, Kier Legaspi, Mariel Pamintuan, Gabriel de Leon, Renz Valerio, Djanin Cruz, Rez Cortez, Divina Valencia at Pen Medina, sa direksiyon ni Albert Langitan.

No comments: