Sunday, August 9, 2015

Andi buking na: baliw na baliw pa rin kay Jake



WALA lang. Parang ganyan ang gustong ipahiwatig ni Andi Eigenmann sa mga maaanghang niyang tweet kamakailan patungkol sa isang tao na tinawag pa niyang, “scum of the Earth.’

Nang eventually ay mapaamin nga si Andi ng mga kapatid natin sa media kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang post, walang kaabog-abog nitong tinuran ang name ni Jake Ejercito, ang kanyang ex-boyfriend.
Sey pa ng kontrobersyal na aktres, “Wala yun. No big deal. Ganu’n talaga paminsan kapag nagkakapikunan kayo ng isang tao na komportable kang inisin.

For sure, inis din naman siya sa akin.” Sa takbo ng panayam kay Andi ay nababasa namin na talagang malalim ang pinaghuhugutan niya kapag si Jake na ang pinag-uusapan.
Feel na feel namin na baliw na baliw pa rin siya sa anak ni Mayor Erap Estrada. Hay, kailan naman kaya kami makakabasa ng balita tungkol kay Andi na hindi nababanggit ang kanyang mga ex-boyfriend o mga isyu tungkol sa magulo niyang lovelife? Ha-hahaha!

No comments: