Monday, July 27, 2015

OPM fans nagreklamo: Wala na raw ticket sa Rey Valera concert



NAPAKARAMING fans ng sikat na singer na si Rey Valera ang nabwisit dahil hindi na sila makabili ng tickets sa Aug. 1 (Sabado) concert nito sa Solaire Hotel & Casino.
Akala siguro kasi nila ay marami pang matitirang tickets dahil hindi naman daw ito tulad nina Daniel Padilla or Martin Nievera na super hot items sa industry and chances are ay nakakabili pa ng tickets kahit sa gate na mismo on the day of the show.
But with this Rey Valera’s forthcoming concert ay nagulat sila dahil two days pa lang inilabas ang tickets ay nagkaubusan na.
This is real! Some of my friends nga sa San Lorenzo Village ay tumawag sa akin at nagpapatulong kung meron pa ba raw silang mabilhan ng tickets dahil many of them ay kapanahunan ni Rey Valera and they sooooo love his songs pero nang tawagan ko ang ABS-CBN na silang nag-organize ng concert na ito, wala na talagang available tickets.
My other friend na milyonaryang si Mama Lily Chua ay tumawag din yesterday morning dahil some of her friends ay gusto ring bumili ng tickets pero wala na talagang available. VIP pa mismo ng Solaire iyan, ha.
Ganoon kabenta si Rey Valera plus the fact na ang mag-a-accompany sa kaniya ay ang ABS-CBN Philharmonic Orhestra sa ilalim ng baton ni Maestro Gerald Salonga.
We are fortunate na makapanood ng concert na ito merely because ang baby nating si Michael Pangilinan ay guest sa show, he will have his own spot number sa concert ni Rey. Napakasuwerte nga ni Michael to have been specially picked by ABS-CBN na maging special guest sa nasabing sold-out concert. Kaya ngayon pa lang, vindicated na ang katulad ni Rey Valera na tunay na concert artist na hindi mahilig mag-lipsynch. Ha-hahaha! At the end of the day, real talents prevail, di ba?

No comments: