Monday, July 27, 2015

Albie Casino balik-ABS-CBN, guguluhin ang James-Nadine loveteam



BALIK-ABS-CBN na pala si Albie Casino, kasama siya sa rom-com serye na On The Wings of Love bilang boyfriend ni Nadine Lustre at pinsan naman ni James Reid. Ito’y ididirek naman nina Antoinette Jadaone at Jojo Saguin.
Matatandaan na kaya nawala sa ABS-CBN si Albie apat na taon na ang nakararaan (huli siyang napanood sa 100 Days To Heaven) ay dahil nabuntis niya noon ang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.

Simula noon ay nag-lie low na siya sa kanyang career. At para mamatay ang isyu ay pansamantala siyang nagbakasyon at iniwan ang ABS-CBN hanggang sa tumanggap na siya ng offers mula sa GMA 7 at TV5.

Inamin din sa amin ng taga-Dos na kung hindi umalis o nawala si Albie sa ABS ay malamang na siya ang nasa puwesto ngayon ni Daniel Padilla.

Tanda naming sinabi ni Albie nang bumisita kami noon sa taping ng Confession of A Torpe ng TV5 na walang pagsisisi sa kanya nang iwan niya ang ABS-CBN dahil mas nag-focus siya sa kanyang pag-aaral.


At ngayon ay nasa kolehiyo na siya at nakapag-move on na sa konrobersyang kinasangkutan noon.

Ang suwerte ni Albie dahil sa muli niyang pagtuntong ng Dos ay napasama siya agad sa napakalaking project ng Dreamscape Entertainment bilang third wheel sa JaDine loveteam.


No comments: