Monday, July 27, 2015

Enrique Gil, Joey Marquez saksi sa binyag, kumpil at first communion ni Liza Soberano



SPEAKING of Liza (Hope Elizabeth Soberano sa tunay na buhay), nu’ng Biyernes pala ay bininyagan ang Kapamilya princess kasabay ng kanyang kapatid na si Justin David.
Bukod sa binyag, isinabay na rin ang kumpil at first communion ni Liza na ginanap sa Nuestra Señora Dela Paz y Buenviaje Parish sa Old Balara, Quezon City. Ito’y sinaksihan ng pamilya at ilang kaanak nina Liza, pati na rin ng ilang malalapit niyang kaibigan.
Ilang larawan ang kumalat sa social media kahapon na kuha sa simbahan, at ilan sa mga celebrities na nakita naming present sa napakaimportanteng bahagi ng buhay ni Liza ay ang ka-loveteam niyang si Enrique Gil at si Joey Marquez, ang gumanap na tatay ng young actress sa seryeng Forevermore.

No comments: