Monday, July 27, 2015

James, Julia pinagalitan ng mga manager kaya napilitang mag-break



PAREHONG napagalitan sina James Reid at Julia Barretto ng kani-kanilang managers when rumors of their dating episode reached social media and gossip news.
Ipinatawag daw si James, according to a source, ng kanyang manager to shed light on the matter. Hindi raw kasi magandang tingnan na kay Nadine Lustre siya naka-love team pero sa ibang young celebrity siya nali-link.
Nag-deny raw itong si James na there’s something romantic brewing between him and Julia and that they never dated.
Ganoon din daw ang scenario when Julia was asked by her manager. Todo deny raw ang young actress na merong namamagitan sa kanila ni James.
Hindi rin daw true na they dated in a coffee shop as alleged. Well, ayaw pa ring tumigil ng rumors. Actually, nagkaroon daw ng short relationship ang dalawa and they had to break up because ayaw nga ng network nila na magkaroon sila ng something romantic.

No comments: