Thursday, September 10, 2015

True ba, Arnell napabayaan na ang negosyo dahil sa lalaki?




Dahil sa sobrang pag-focus sa kanyang lovelife ay may nagpasimuno sa pagpapakalat ng balita na sarado na ang negosyo ni Arnell Ignacio.

Ang kanyang business na Creative Hair Systems na nasa second floor ng Greenhills Shopping Center ang tinutukoy ng nagkuwento, hindi na raw napagkikita du’n ang magaling na komedyante-TV host, kaya siguro i-pinalagay nito na sarado na ang negosyo ni Arnelli.
Walang katotohanan ‘yun, napakarami nga nilang ginagawang wig ng mga artista ngayon, tulad na lang ng gagamitin ni Kim Chiu sa bagong seryeng pagbibidahan nito.
“Buhay na buhay ang business ko, ewan naman kung sino ang nagpakalat na nagsarado na raw kami. Kung ang basis niya, e, hindi na raw ako masyadong nakikita sa Greenhills, hindi enough reason ‘yun.

“Very responsible ang staff ko, kahit sa telepono lang ang communication namin, puwede ko nang ipagkatiwala sa kanila ang business ko. Mapagkakatiwalaan sila.

“Hindi lang naman kasi ang Creative Hair Systems ang pinagkakaabalahan ko, may mga tinatanggap din akong shows, nagho-host ako, car racer pa ako,” pahayag ni Arnelli.

‘Yun ang totoo, pero mas magiging maayos siguro ang lahat kung tatantanan na ni Arnelli ang pagtutok sa kanyang lovelife, business na muna bago ang pagsasayang ng panahon para sa mga taong wala namang naidudulot na maganda sa kanya.

No comments: