Thursday, September 10, 2015

Wannabe actress inuna ang pagbubuntis




NALOKA ang manager ng isang wannabe actress dahil hindi pa siya nakakagawa ng pangalan sa mundong pinasukan niya ay heto’t nasa interesting stage na pala?

Nanggulat nga naman ang wannabe actress dahil pati mga kaibigan niya ay takang-taka dahil nga panay ang sabi nito na gagawin niya ang lahat para sumikat pero ang ending magiging mommy na siya very soon.

Sabi nga namin baka naghanap ng shoulder to cry on ang baguhang aktres dahil nga wala naman siyang mapagsabihan sa pamilya niya ng mga problema dahil produkto siya ng broken home.

Kaya ang tatay ng magiging anak niya ang naging shoulder to cry on na hindi lang pala balikat ang ibinigay sa kanya kundi pati baby. Anyway, ang suwerte ni wannabe actress dahil matino ang tatay ng magiging anak niya at handa siyang panagutan, hindi katulad ng iba na takot sa responsibilidad.

So, anong mangyayari ngayon kay wannabe actress, “E, di waley, mag-aalaga siya ng baby niya paglabas.”
Hindi rin kami sigurado kung itutuloy pa niya ang naudlot na pangarap na sumikat bilang artista.


No comments: