Thursday, September 10, 2015

Beauty Gonzales 5 buwang buntis, tsugi na sa seryeng Ningning





KUNG kailan na-extend ang seryeng Ningning sa ABS-CBN ay saka naman mawawala ang karakter ni Beauty Gonzales na gumaganap bilang nanay ng magaling na child star na si Jana Agoncillo sa kuwento.

Yes bossing Ervin, anytime now ay hindi na mapapanood si Beauty sa Ningning dahil limang buwan na pala siyang buntis courtesy of her businessman boyfriend na may edad sa kanya at isang art collector.

Una itong lumabas bilang blind item. Ayon sa mga nasulat, isang aktres daw na kasama sa isang serye ang limang buwang buntis at tsutsugihin na sa programa.

Pero noong isang araw ay inilabas ng isang blogger ang Instagram post ni Beauty na kinunan ang sarili pero nahagip nito ang malaki niyang tiyan kaya nabuking.

Nang mainterbyu si Ketchup Eusebio, sinabi nitong may major member ng cast daw sa Ningning ang papatayin, pero hindi naman niya binanggit ang pangalan ni Beauty.

Ulila na sa ina ang karakter ni Jana Agoncillo sa Ningning at tanging ang lola ng bagets na si Sylvia Sanchez ang magpapalaki sa kanya, kasama ang tatay nitong si Ketchup.
Kaya sa pag-alis ni Beauty, ano kaya ang plano ng management – bibigyan kaya nila ng bagong leading lady si Ketchup?

Sinayang ni Beauty ang pagkakataon dahil kung kailan dumami ang proyekto niya ay saka siya nagpabuntis. 

Sabagay blessing din naman ang pagkakaroon niya ng baby.
Puwede naman siyang makabalik after niyang manganak tulad din ng iba pang female young stars na nabuntis din pero nagkaroon pa rin ng career nu’ng magdesisyon na silang bumalik.



No comments: