Tuesday, August 18, 2015

Willie Revillame in love agad kay Andrea Torres, nanligaw sa harap ng madlang pipol



KAKAIBA ang saya ng TV host na si Willie Revillame sa taping ng Wowowin sa GMA 7 last Friday. Ganado  si Willie at ang buong staff ng weekly game show dahil sa napakagandang pambwena-mano na nakuha nilang rating sa pilot telecast.

Very humble naman na umiwas  magbigay ng pahayag si Willie sa napakainit na pagtanggap muli ng audience sa Wowowin. Hayaan na raw ang ibang tao ang magsalita on behalf of him and the show. Ang sa kanya lang ay ang labis-labis na pasasalamat sa publiko na walang sawang sumusuporta sa kanya.
Pramis ni Willie mas pagagandahin pa nila ang show at magsisilbing inspirasyon ang nakuha nilang rating last Sunday.

In fact, isang nakakaaliw at masayang episode ang itineyp nila last Friday na ipapalabas ngayong Linggo.
Ang  Kapuso star na si Andrea Torres ang  guest co-host ni Willie na hindi napigilang ipakita ang paghanga sa magandang dalaga.

Kita agad na sobrang nagandahan si Willie kay Andrea kaya naman hindi na niya pinalampas ang pagkakataon na “ligawan” ang Kapuso actress on national TV.

Biglang kinantahan ni Willie si Andrea at ibinulalas ang kanyang damdamin sa Kapuso star. At sa huli, pabirong seryoso na sinabi ni Willie kay Andrea kung type ba niya na magkaroon sila ng baby.

During rehearsal  naman para sa second taping ng Wowowin ay nagsalita si Willie habang nagre-rehearse ang kanyang mga dancer with Andrew E na guest nila. Nabangit nga ni Willie na nag-number one ang show nila sa national ratings at naungusan nila ang katapat na programa sa ABS-CBN, ang ASAP.

Pagkatapos ay sinabi niya na masaya rin siya that afternoon dahil dinalaw sila ng floor director ng ASAP na si Alex Magbanua.

Sa unang pagkakataon ay in-announce rin ni Willie na magkakaroon ulit ng world tour ang Wowowin bukod pa sa pag-ikot nito sa buong Pilipinas. Unang trip abroad ng show ay magaganap sa Dubai sa darating na October. And then, susunod na ang Italy, London at Amerika.

Sa katunayan, ka-meeting na ni Willie ang mga producers ng Wowowin worldwide right after ng kanyang first taping. Excited si Willie sa paglabas muli ng bansa ng kanyang programs dahil makikita at mabibigyang-saya na naman niya ang OFWs.

And according to some sources, mukhang malapit na raw mapanood ang Wowowin nang live every Sunda

No comments: