Tuesday, August 18, 2015

Susan Roces nanggalaiti sa mga kritiko ni Grace Poe




RUMESBAK ang aktres na si Susan Roces sa mga kritiko ng kanyang anak na si Sen. Grace Poe.

“How dare they! Wala silang karapatang duru-duruin ang anak ko at sabihing hindi (Filipino) citizen ang anak ko,” sabi ni Roces na naging emosyonal.
Ito’y sa harap naman ng pagkuwestiyon sa citizenship ni Poe.

“Kahit askal lalaban nang patayan, huwag mong mahipo-hipo ang tuta ng bagong inahing aso. Kahit hayop nasasaktan kapag ginagawan ng ‘di maganda,” ayon pa kay Roces.

Idinagdag ni Roces na nang natagpuan nila si Poe sa simbahan ng Jaro, Iloilo, 47 na ang nakakaraan, nakakabit pa ang pusod niya.

” Kukuwestiyunin nila kung citizen siya ng bansang ito? Hindi ko alam kung anong pamantayan nila,” aniya.
Sinabi pa ni Poe na pumunta pa sila ng yumaong asawang si Fernando Poe Jr. sa korte para pormal na ampunin si Grace.

“Anong karapatan nilang ipagwalang bisa ‘yung pinaglaban namin sa korte para magkaroon siya ng birth certificate?” giit ni Roces.

Idinagdag pa ni Roces na maliwanag na nakalagay sa birth certificate na si “Ronald Allan Poe” ang kanyang ama at “Jesusa S. Poe” naman ang kanyang nanay. Inquirer

No comments: