Sunday, August 2, 2015

Babala (asawa ni Babalu) ni Vina kay Shaina: Huwag mo akong uunahang magpakasal!



SINABIHAN ni Vina Morales ang younger sister niya na si Shaina Magdayao na huwag siyang unahan sa pagpapakasal. Parehong walang karelasyon ngayon ang pretty sisters pero panay naman ang tanggap nila ng mga manliligaw.
“Lagi ko ‘yang sinasabi sa kanya, ‘Mauna muna ako.’ Mauna naman ako or kung hindi magra-rally na ako,” birong seryoso ni Vina nu’ng makausap namin sa presscon ng afternoon drama series niya sa Kapamilya Gold, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?.

Pinapayuhan din daw ni Vina si Shaina pagdating sa lovelife. Pero binuking niya maraming manliligaw si Shaina but mostly non-showbiz. Kaya raw tahimik lang ang lovelife ni Shaina ngayon.

“I was kinda dating pero never to the point na serious. It’s been six years, honestly. I’m really open naman to what’s happening in my life.
Kung nagdi-date man ako, wala pa talagang seryoso. Hindi naman ako bitter, ha,” sabay tawa ni Vina.
As much as possible, ayaw na ni Vina ng taga-showbiz.
Very choosy na raw siya ngayon pagdagting sa lalaking mamahalin. “Siguro para sa akin if someone asks me to have dinner I always make sure it’s like a group.
Kasi papakiramdaman ko muna, oo. Saka hindi na ganoon, like kapag walang spark, huwag na. I mean, wala na akong time masyado diyan.

I mean, if I was younger, then, probably I would just go with the flow. But now, if there’s none, wala. I tell them straight. Kasi kawawa rin naman sila, ‘di ba? I don’t want them to expect,” esplika niya.
Pero wala naman daw siyang requirement sa lalaking mamahalin niya, “Sana, kung tatanungin din sila, ‘Kailangan ba walang anak?’ Parang ang hirap din atang sagutin ‘yan.

So, I cannot answer that kasi kung tatanungin din ang isang lalaki na kailangan ba may anak or ano? Kailangan single na walang anak?
“Parang ang hirap. Masakit naman kapag sinabi na gusto ko walang anak, ‘yung mga ganoon. So, we’ll see,” aniya pa. Ang anak daw niya kay Cedric Lee na si Ceanna ang nagdarasal na magkaroon na siya ng kapatid.
But after realizing na kailangan muna may partner ang kanyang Mommy Vina para magkaroon ng kapatid, biglang nag-pray na siya to have a daddy.

“So, she prays for that and she wrote it down. Kasi we always pray together before we go to sleep and ano ‘yun, vocally, ha, so, naririnig ko ang mga prayers niya.
Sabi ko, ‘O God, ano ba ‘to? Kailangan ng tatay.’ Sabi ko, ‘Anak, kailangan ng daddy,” natatawang kwento ni Vina.
Nakikita raw ni Ceanna ang kanyang ama every week. Pero hindi raw nanghihingi si Vina ng anumang financial support kay Cedric para sa anak, “I don’t ask for that.
I don’t ask for money. I’m a single mom. I work hard for my daughter. I’m supporting my daughter,” diin niya.
Sakto naman habang kausap namin si Vina noong araw na ‘yun din nabalitang hinuli si Cedric at misis nito para sa isang kaso na may kinalaman sa kanilang negosyo, “I don’t know. Oh, my God,” tanging nasabi ni Vina.

Happy naman si Vina dahil nasa ikatlong season na ang teleserye nila sa Kapamilya Gold, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?. Thankful daw sila ng buong cast dahil umabot sila ng eight months and still counting.
“We prayed na mag-extend and thank God it happened. Ah, excited kami sa mga pangyayari kasi ang daming pagbabago. Pati ako nagugulat kasi wherever I go, nu’ng una ‘yung character ni Cecilia (sa NKNKK) was a loving wife.

Ganoon lang siya, mapagmahal. Very strong person pero now sumobra naman ang pagka-strong. Ha-hahaha!”
Umalagwa sa rating ang serye nina Vina sa timeslot nito tuwing hapon sa ABS-CBN. Nakakuha ng 15.4% sa rating ang NKNKK habang 11.5% naman ang nakuha ng katapat na programa last Tuesday, July 28.

No comments: