Thursday, July 23, 2015

Yagit nina Yasmien at James sa GMA magpapaalam na


NGAYONG Biyernes, nakatakda nang magwakas ang isa sa mga top-rating Afternoon Prime drama series ng Kapuso Network na Yagit.
Mula nang magsimula ang auditions noong Hunyo ng nakaraang taon para sa mga bagong gaganap na mga batang yagit, sa pag-ere nito noong Oktubre at hanggang sa kasalukuyan ay walang humpay ang suportang natatanggap ng programa.
Mapa-ratings man o sa mga komento sa social media ay talaga namang mainit ang naging pagtanggap sa bawat karakter lalo na sa mga batang yagit na ginampanan nina Chlaui Malayao, Jemwell Ventinilla, Judie dela Cruz at Zymic Jaranilla.
Bukod sa mga karakter nina Yasmien Kurdi, James Blanco, LJ Reyes, Renz Fernandez, Kevin Santos, Bettinna Carlos at Wowie de Guzman ganu’n din si Paolo Contis ay ilan pang mga artista ang naging bahagi ng Yagit.
Ilan nga sa kanila ay sina Princess Punzalan, Alessandra de Rossi, Jaya, Leni Santos, Kiko Estrada, Bea Binene, Boy 2 Quizon at Nova Villa.
Sa pagwawakas ng Yagit, hindi dapat palampasin ang mga pasabog na naghihintay sa mga manonood. Magkaroon pa kaya ng pagkakataong mabuo ang pamilya ni Dolores (Yasmien)? Mapagbayaran pa kaya ni Izel (Bettinna) ang mga kasalanan niya? Magkakasama-sama pa kaya ang mga bata?
Abangan ang mga kapana-panabik na mga eksena sa pagwawakas ng Yagit ngayong Biyernes pagkatapos ng The Half Sisters sa GMA Afternoon Prime.

No comments: