Thursday, July 23, 2015

Sigaw ng madlang pipol: P-Noy, Kris mga ipokrito


Nakakatawa ang panawagan ni P-Noy sa mga dadalo ng kanyang last SONA. Kailangan daw na ang suot nilang mga sapatos ay gawa sa Marikina.
Kumbaga, gustong dumrama ng idol ninyong pangulo sa pagiging nationalistic eclat niya. Natawa kami kasi hindi namin ma-imagine kung paano niya sasabihin ito sa lovely sister niyang si Kris Aquino na wala na yatang ginawa sa buhay kundi magsuot ng branded items.
Hindi kaya mangati si Kris pag local brands ang isinuot niya? Ha-hahahaha! “Mga ipokrito naman ang mga Aquino na iyan, ‘no! Kiyemeng pa-nationalistic sa mata ng mga tao pero huwag ka’t wala yata ni isang gamit sa bahay nilang lokal.
Puro imported dahil aminin natin at sa hindi, mga Cojuangco at Aquino ang mga iyan, mga anak-mayaman mula’t sapul.
“Kaya ano, P-Noy? Sa palagay mo ba’y may naniniwala pa sa kaeklayan ninyo? Magpapa- kitang-tao na naman kayo na makabayan kayo at makamasa eh hindi naman talaga,” talak ng isang kaibigan naming madaldal na bwisit na bwisit na yata sa mga Aquino.

No comments: