Thursday, July 23, 2015

Willie Revillame may bagong dyowa kaya bumabata


Ipinakita na ni Willie Revillame sa publiko ang bago niyang hotel sa Tagaytay. Ang bago niyang establishment ang pinagkaabalahan ng TV host noong panahong wala siyang programa sa telebisyon.
Proud na ipinakita ni Willie ang pictures ng bago niyang hotel sa YES magazine sa kanyang programa sa GMA na Wowowin sa nakaraang taping niya last Saturday.
Although, hindi pa talaga tapos na tapos ang kabuuan ng hotel, e, very minimal lang daw ang kailangang ayusin. Isa na diyan ‘yung flooring sa labas ng hotel na may part pa na maputik.
Bago at artistically designed ang mga furniture sa hotel, ha. May ilang gamit lang na inilipat nila sa bagong hotel na ginamit sa dati niyang buil- ding na Will’s Events Place.
Nawala man ang Will’s Events Place at Will Tower Mall niya, mas malaki at bonggacious na hotel naman ang i- pinalit ni Willie.
Nilinaw naman ng isang mapagkakatiwalaang staff ni Willie ang rason nang pagkaka-cancel ng nakaraan nilang taping prior sa huli nilang taping last Saturday.
May lumabas kasing balitang walang audience ang Wowowin kaya kinansela ang taping. Napakalakas kasi ng bagyo nu’ng araw na ‘yun kaya nagdesisyon daw si Willie na i-cancel na ang taping para na rin sa kaligtasan ng mga gustong manood sa show niya ng live.
Dahil na-cancel ang taping nila kaya nag-replay sila ng isang Sunday. But back to normal na ang schedule ng Wowowin.
Anyway, mukhang nasa mood at happy si Willie all throughout his taping last Saturday. Bagets na bagets ang kanyang aura.
Ang tsika baka raw may bagong inspirasyon at nagpapasaya na ulit ngayon kay Willie. Na hindi naman namin ikinagulat. Sa hitsura ni Willie at hindi naman siya mukhang DOM (Dirty Old Man) kaya hindi imposibleng may dyowa na uli siya.

No comments: