Thursday, July 23, 2015

Winwyn Marquez niresbakan si Renee Salud: At least nag-try ako


ALA, nag-react na si Winwyn Marquez tungkol sa mga nasulat na hindi siya beauty queen material. Sa kanyang Twitter account idinaan ng aktres ang kanyang saloobin.
Ayon sa post ni @wynmarquez, “It’s fine if some people think I’m not beauty queen material, I’m happy na napakita ko kung ano kaya ko, at least I tried dahil gusto ko.”
Kinunan kasi ng komento ang sikat na fashion designer na si Renee Salud tungkol sa anak nina Joey Marquez at Alma Moreno matapos itong matalo sa Binibining Pilipinas 2015.
Sabi ni mama Renee, “Mag-artista na lang siya, magsayaw na lang siya dahil doon siya magaling o mag kontrabida na lang siya.”
May karapatan ang designer na magsalita tungkol sa mga beauty pageant dahil ito ang forte niya, ang tumuklas ng magagandang babae na puwedeng ilaban sa international beauty pageants.
Nabanggit din ng pamosong fashion designer na malayo si Winwyn sa tita niyang si Melanie Marquez.
Sabi ni Mama Renee, malayo pa lang daw kasi ay kitang-kita nang pang-international ang ganda na totoo naman dahil siya ang nag-uwi ng Miss International title noong 1979.

No comments: