Friday, July 31, 2015

Tanya Garcia na-in love sa teenager, nabuntis



WAGAS na pagmamahalan ng dalawang tao na may 14 taong agwat sa edad ang ibabahagi ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong Sabado hosted by Charo Santos-Concio.
Gagampanan ni Tanya Garcia sa MMK episode ang karakter ng 31-anyos na dalagang si Ruby, samantalang bibigyang buhay naman ni Yves Flores ang role ng teenager na si Engel.
Sa paglalim ng kanilang pagkakaibigan, hindi napigilan nina Ruby at Engel na mahulog sa isa’t isa sa kabila ng pagkakaroon ng malaking pagkakaiba ng kanilang mga edad.
Ngunit mas susubukin ang pag-iibigan ng dalawa nang nabuntis si Ruby at napilitan si Engel na tumigil sa pag-aaral para harapin ang responsibilidad bilang isang batang ama.
Tunghayan sa kwento nina Ruby at Engel kung paano pinatatag ng mga pagsubok ang kanilang pag-iibigan at kung paano nila ipinaglaban ang kanilang relasyon mula sa kanilang mga pamilya at kaibigan na hindi sang-ayon dito.
Tampok din sa MMK episode na ito sina Carla Humphries, Tanya Gomez, Allan Paule, Snooky Serna, Ronnie Quizon, Denise Joaquin, Patrick Sugui at Jon Lucas.
Ito’y sa direksyon ni Nick Olanka at sa panulat ni Beson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, ngayong Sabado, 8:30 p.m., pagkatapos ng Voice Kids sa ABS-CBN.

No comments: