Friday, July 31, 2015

Enrique ‘UNGGOY’ ang tawag kay Liza



Alam n’yo ba kung bakit “monkey” ang tawag ni Enrique Gil sa kanyang ka-loveteam na si Liza Soberano?
Kwento ng binata nang makapanayam ng ilang reporter pagkatapos ng story conference para sa follow-up movie nilang “Everyday I Love You,” yun daw ang term of endearment nila ni Liza sa isa’t isa simula nang maging close sila.
Si Liza ang nagpaliwanag kung bakit “monkey” o unggoy ang tawag sa kaya ni Enrique, “Kasi nu’ng bata ako mayroon akong stuffed animal ang pangalan niya Monkey Mo kasi monkey na emo.
Then siya nu’ng bata siya may monkey din siya.” Esplika naman ni Quen, “Monkey lang ‘yung stuffed toy ko si Abu, ‘yung sa ‘Alladin.’
So sabi ko parehas tayo nu’ng bata pa, monkey, kaya ‘monkey’ ang tawag ko sa kanya.” Samantala, ngayon pa lang ay inaabangan na ng kanilang fans ang susunod nilang pelikula kung saan makakasama nila si Gerald Anderson under Star Cinema.

No comments: