Friday, July 31, 2015

Barbie 18 na: Pwedeng-pwede na po akong ligawan!



Nakakabilib din ang tinaguriang Kapuso Teen Queen na si Barbie Forteza, ang isa sa mga bida ng afternoon series ng GMA na The Half Sisters.
Sa pagse-celebrate nga nito ng kanyang ika-18 kaarawan (kahapon, July 31) ay mas ninais nitong makasama ang mga batang ulila, kapos sa buhay at iba pang mga kababayan nating nangangailangan ng tulong kesa magkaroon ng bonggang debut.
Sa halip na magkaroon ito ng magarbong party, mas mag-eenjoy daw siya na gawin ito sa Philippine Children’s Medical Center sa Q.C. na apat na taon na niyang pinasasaya.
At lahat daw ng matatanggap niyang regalo ay mapupunta sa charity ward ng nasabing ospital.
Nauna na raw kasing natupad yung wish niyang makapag-abroad for the first time nang bigyan sila ng chance ng GMA na pumunta ng Japan for The Half Sisters taping.

At dahil 18 na siya, naitanong namin sa dalaga kung ready na siyang magkaroon ng boyfriend, sagot ni Barbie, “Actually puwedeng-puwede na. Kaya lang wala pa talaga, eh.”
Nagawa pa nitong biruin si Nay Lolit Solis, ang manager ng ka-loveteam niyang si Andre Paras kung papayag itong ligawan siya ng binata, “Huwag ka pong mag-alala, hindi ko siya pahihirapan,” sabay bungisngis ng masayahing Barbie.

No comments: