Friday, July 31, 2015

Pagdakma ni Goma sa boobs ni Dawn may basbas ng dyowang Kongresista



FOR the first time ay pumayag si Dawn Zulueta na hipuan at magpadakma ng kanyang private parts kay Richard Gomez sa pelikulang “The Love Affair” ng Star Cinema, kung saan kasama rin nila si Bea Alonzo.
Sa dinami-dami ng nagawa nilang pelikula ni Goma noong kasikatan ng kanilang loveteam, ngayon nga lang daw nila ginawa ang ganu’ng kasensitibong eksena.
“Una, the story is very good. First time ko ring gumanap na wife na nangaliwa. Yung eksenang sinasabi ninyo, such act is called for dahil matindi ang naging confrontation namin as a couple that is on the verge of splitting up.
Second, I have but high respect kay Richard at sa direktor namin na si Nuel Naval,” sey pa ng maladyosang aktres.
Wala rin naman daw itong naging problema sa kanyang asawang si Cong. Anton Lagdameo dahil ever since naman daw na pinayagan siya nitong magbalik sa pag-arte ay pagtitiwala at suporta lagi ang ibinibigay nito.
Isa nga pala si Dawn sa mga Congressional wives na pinuri nang husto sa magara nitong pagdadala ng terno noong SONA 2015.
In fact, noong gabi nga ng presscon ng “The Love Affair” ay mabilis lang siyang nag-change outfit dahil aniya, “Artista na uli ako at hindi na asawa ng congressman.”
Kung meron daw nakaka-amaze sa aktres sa kasalukuyang kalakaran ng pagpo-promote ng movie ay yung lakas ng social media, “Imagine, trailer pa lang namin, pinag-uusapan na ng husto.
Umabot na yata sa milyon ang views. At mayroon pang dubsmash ha,” ani Dawn. Showing na ang “The Love Affair” sa Aug. 12.

No comments: