Monday, November 17, 2014

Iñigo di kayang mapantayan ang kasikatan ni Piolo


Iñigo di kayang mapantayan ang kasikatan ni Piolo

Balitang hindi gaanong tinao ang unang pinagbibidahang pelikula ng anak ni Piolo Pascual na si Iñigo. Pinagbibidahan dahil ayon sa mga nanood ay talagang si Iñigo ang inikutan ng kuwento ng pelikula, kalahatian na raw nang lumabas si Julian Estrada, kaya kay Iñigo talaga ang proyekto.
Walang masama du’n, unang pelikula lang naman ‘yun ng bagets, binyag ng apoy pa lang ‘yun kung tutuusin para sa anak ng guwapong aktor.


 Kahit naman si Piolo ay dumaan din sa ganu’ng estado, pinagbida rin siya nu’n sa isang pelikula, pero hindi naman siya agad na sumikat.
Nu’ng magtambal na lang naman sila ni Judy Ann Santos tumingkad ang pangalan ni Piolo, napakalaki ng nagawa ng loveteam nila ni Juday sa kanyang pagsikat.
Mula nu’n ay nagtuluy-tuloy na ang pagkinang ng kanyang bituin, hanggang sa itinambal na rin siya sa ibang mga artista, pero ang tambalan nila ni Judy Ann ang talagang dapat tanawan ng utang na loob ni Piolo.

May gagawin uling pelikula ang kanyang anak na hindi nakinig sa kanyang payo na mag-aral na lang muna, baka naman sa susunod ay magkaroon na ito ng tatak, kahit pa maraming nagsasabing hindi kayang plakaduhin ni Iñigo ang popularidad na inabot ng kanyang ama.

1 comment:

Edgar Ebro 09482197306 said...

nakasama ko si ingo last week lang sa HOPELESS ROMANTIC samantalang ang dad naman niya ay nakasamama ko sa HAWAK KAMAY