Monday, November 17, 2014

Heart , nagtatampo sa GMA dahil kay Marian

Heart, nagseselos kay Marian sa GMNA dahil mas pino-promote ng GMA 7 ang wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes kaysa ‘yung sa kanila ni Sen. Chiz Escudero.


“UNANG-UNA sa lahat, gusto ring linawin na wala pong tinanong sa akin na ganu’ng kuwestiyon at hinding-hindi po iyon ang isinagot ko. Hindi ko po maisasagot ‘yon dahil malaki ang utang na loob ko sa GMA, marami silang naitulong sa akin simula nang lumipat ako dito.”
That was Heart Evangelista’s explanation sa nasulat ng isang never heard blogger na nagsabing disappointed ang actress-TV host dahil mas pino-promote ng GMA 7 ang wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes kaysa ‘yung sa kanila ni Sen. Chiz Escudero.
Lalong napahiya at nagmukhang sinungaling ang blogger dahil nai-post sa Instagram ang interview nito during break sa Startalk. Naimbitahan na nga sa presscon ng Startalk ay nagkalat pa ng maling chismis.
Nakakaloka talaga ang blogger na ito. Gusto lang yata niyang sumikat kaya ginamit si Heart para pag-usapan. Meanwhile, unli pala ang dance show ng isang Marian Rivera.
Medyo na-shock kami when we read an interview about her saying na mananatili ang kanyang dance show hanggang gusto niya. Meron na palang ganoong deal ngayon sa TV?
Anyway, in the interview, Marian denied na merong offer sa kanya na makasama ang isang top Korean actor for a teleserye. Parang nag-inarte pa nga ang hitad when asked kung sakaling meron nga ay papayag ba siya.
Pag-iisipan pa raw niya dahil by that time ay may asawa na siya. Maraming fans ng Korean heartthrob ang nabanas kay Marian at todo lait talaga ang mga ito sa kanya.
Hindi naman mangyayari na magkakaroon ng offer si Marian to star opposite a top Korean actor, ‘no!

No comments: