Friday, October 9, 2015

Wish ng milyun-milyong AlDub fans: Alden, Maine maging totohanan na ang relasyon




Hindi na talaga maitatago sa kahon ngayon si Alden Richards. Markadung-markado na ang kanyang itsura sa ating mga kababayan.

Meron na siyang dating ngayon na makita pa lang ng mga Pinoy ang tinaguriang Pambansang Bae kahit nakatalikod siya ay pagka-kagulo na agad at kilig ang magiging resulta nu’n.

Sa mga nakaraan niyang provincial shows ay nagdagdag na ng kanyang security ang GMA 7, hindi na puwede ang dalawa-tatlong taong magbibigay-proteksiyon sa kanya ngayon, dahil sa paghi-hysteria ng mga AlDub fans kahit saan siya magpunta.

Napakaraming dapat ipagpasalamat ni Alden sa mga nagaganap ngayon sa kanyang career. Talagang mauuwi ‘yun sa pagluha kapag kumakanta siya dahil hindi naman lahat ng personalidad ay nabibigyan ng ganyan kagandang kapalaran.
Nagtiyaga siya at nagsipag, hindi siya sumuko, napakasarap naman ng na-ging bunga ng kanyang paghihintay. Maligaya ang lahat sa kanyang tagumpay, kahit sinong artista ang makausap mo tungkol kay Alden ay masaya para sa kanya, iba ang nagagawa ng pagiging mabait at mapagkumbaba.
Kuwento ni Congresswoman Lani Mercado, “Napaka-humble na bata. Nakasama namin siya sa ‘Panday’, wala akong masasabi sa kabaitan ni Alden. Ito ang premyo sa kanya, we’re so happy for him.”

Malaki ang nagawa sa kanyang career ng tambalan nila ni Maine Mendoza, si Yaya Dub, na hinihiling ng kanyang mga tagahanga na sana’y maging karelasyon na niya sa totoong buhay.

Pero sabi nga ni Lola Nidora, ang lahat ay nangyayari sa tamang panahon, totoong-totoo.



No comments: