Friday, October 9, 2015

Maja: Yung relasyon namin ni Kim na nawasak, unti-unti na pong nabubuo!




NAKASARADO pa rin daw ang puso ngayon ni Maja Salvador. Single siya pero hindi ibig sabihin ay malungkot ang personal life niya dahil wala siyang boyfriend.

Nilinaw din niya ang balita na nagdededmahan sila everytime na magkikita sa studio ng ASAP 20, “Nagpapansinan po kami ‘pag nagkikita kami, nagbebeso siya tapos ako ‘pag nakikita ko siya, nagbebeso.”

Bukod kay Gerald, unti-unti na ring bumabalik ang friendship nila ng kanyang dating BFF at ex-girlfriend din ni Gerald na si Kim Chiu.

“May mga bagay na ka-ming dalawa lang ni Kim ang nakakaalam at parang ayoko nang idetalye po ‘yun, ayoko ng balikan (ang nakaraan) kasi sa ngayon sobrang happy ako na okay kami ni Kim.

Na minsan, parang pabalik na ‘yung friendship kasi iba kami minsan mag-usap sa ASAP. “So ‘yun po, sobrang masaya ako kung anuman ‘yung estado nu’ng kung anong meron kami ni Kim, yung papuntang friendship nga po…kasi kung nawasak ‘yung dati, sobrang nadurog, ito paunti-unti, binubuo,” chika pa ni Maja sa interview ng ABS-CBN.

Nag-react din si Maja sa mga isyu noon na kaya sila naghiwalay ni Gerald ay dahil hindi siya gusto ng ina ng aktor na si Mrs. Vangie, “Siguro ‘nung umpisa, parang ganon naman eh, nagpakananay.

Siyempre sobrang mahal niya ‘yung anak niya, inaalagaan niya ‘yung anak niya.  “Pero in fairness kay Ge-rald naman, hindi niya pinaramdam sa’kin na dapat kami magpaapekto sa kung ano.

Pero ‘yun gusto kong ipagtanggol si Tita Vangie kasi nu’ng kami po ni Gerald, i-nalagaan naman niya ako at saka naramdaman ko naman na minahal po niya ako,” esplika pa ni Maja.

No comments: