Friday, October 9, 2015

Jessy Mendiola: Ako, buntis daw? mas nauna pa nilang nalaman?!




MARIING itinanggi ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola na buntis siya at si JM de Guzman daw ang ama.
Sa isang panayam kaya Jessy, sinabi nitong hindi totoong nagdadalang-tao siya ngayon kaya la-ging emosyonal ang mga ipino-post niya sa kanyang Instagram account.

Ayon sa dalaga, para patunayang hindi siya preggy, tuluy-tuloy pa rin ang taping niya para sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Your My Home, at meron pa siyang mga bagong endorsements, at isa nga rito ay kinailangan pa niyang magpakita ng kaun-ting kaseksihan.

“Hindi ko nga alam na may balita na preggy ako. Kanina ko lang nalaman. Bakit kaya? Siguro kasi malaman ako ngayon. I don’t know,” pahayag ng dalaga.

Nang tanungin kung ano ang naging reaksiyon niya nang makarating sa kanya ang balitang buntis daw siya, “Iba na rin pala ngayon kasi mas nauuna pang malaman ng iba na buntis ka kesa sa sarili mo.

Ganun pala yung bagong technology ngayon?”



No comments: