Sunday, October 11, 2015

Gerald nanghalik ng babae sa sobrang kalasingan





BUONG-NINGNING na inamin ni Gerald Anderson ang isang hindi niya malilimutang karanasan sa isang babae noong medyo bata-bata pa siya.

Sa isinagawang panayam kay Ge-rald sa pamamagitan ng Kapamilya Chat kamakailan, ikinuwento ng binata ang tungkol sa babaeng hinalikan niya na hindi pa naman niya kilala.

Lasing daw si Gerald nang maganap ang insidente. Hindi na nga raw niya maalala kung ano ang eksaktong nangyari nu’ng magising siya kinabukasan
.
Bukod dito, nai-share rin ng Kapamilya actor ang tungkol sa naging relasyon niya sa isang girl noong 11 years old pa lang siya. Nagtagal lang daw ang pagiging magdyowa nila ng isang linggo.

“Yes, nu’ng eleven yata ako. Tapos never kaming nagkita never kaming nag holding hands tapos hiwalay na kami kasi nagtatago ako,” chika ng binata.

Samantala, hiningan din si Gerald ng reak-syon sa naging experience niya working with Enrique Gil and Liza Soberano sa bagong movie ng Star Cinema na “Everyday I Love You”, “Great.

Si Enrique naman nakatrabaho ko na siya dati sa Budoy siya po yung kapatid ko si BJ. That was the last time na nakatrabaho ko siya but after that lagi kami magkasama sa mga tours namin all over the world.

Kaibigan ko siya talaga, kilala ko siya talaga. “Si Liza first time ko siya nakatrabaho pero siyempre napapanood ko and sa mga napapanood ko magaling siya.

I was excited to work with her and their energy, ib
a yung energy nila. Iba yung energy ni Liza she’s very young and kumbaga 17 palang siya she has a good head on her shoulders ang daming mga pangarap na gusto niyang matupad so talagang she’s going to make it,” kuwento pa ni Gerald.

No comments: