Sunday, October 11, 2015

Alden madedemanda kung hindi aabsent sa Eat Bulaga




May kakambal na malasakit at pagmamahal ang hiling ng mga fans ng AlDub para kay Alden Richards. Nakikita kasi ng mga ito na halos wala nang pahinga ang kanilang idolo.
Nananawagan ngayon ang mga nagmamahal kay Alden sa GMA 7, sana raw naman ay huwag gawing makina ng network ang kanilang artista, pagpahingahin daw naman sana nila dahil kapag bumigay ang ka-tawan ng tinaguriang Pamban-sang Bae ay mas mala-king problema.
Makina man daw ay pinagpapahinga, hindi ginagamit nang maghapon at magdamag, maawa raw naman sana ang kanyang network kay Alden.
Isang taga-GMA 7 ang nagpaliwanag sa amin ng totoong senaryo. July nang ipanganak ang tambalan nila ni Yaya Dub, pero bago ‘yun ay meron nang mga natanguang kompromiso ang network para kay Alden, hindi nila puwedeng balewalain ‘yun dahil madedemanda sila at si  Alden.
“Mga dati nang contract ‘yun, wala pang AlDub nu’n, kailangang tuparin ni Alden ang mga previous commitments niya dahil baka mauwi ‘yun sa demandahan.
“Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ganito pala ang mangyayari? Biglang sisikat ang loveteam nila ni Maine Mendoza?” paliwanag ng aming kausap.
Nasa Japan ngayon si Alden kasama si Ai Ai delas Alas, dati na ring schedule ‘yun ni Alden para sa mga tagasuporta ng GMA-Pinoy TV, ikinalulungkot ng mga tagasuporta ng kalyeserye ang ilang araw nang pagkawala ng guwapong aktor.
Buti na lang at magaling ang mga writers ng Eat Bulaga, natatakpan nila ang butas ng kawalan ni Alden Richards, nagiging makabuluhan pa rin ang kalyeserye.

No comments: