Sunday, October 11, 2015

Alden absent pa rin sa Eat Bulaga; solo pa rin sa kalyeserye si Yaya





“Pinagbakasyon na siya nang tuluyan ng Eat Bulaga sa rami ng raket niya,” ang narinig naming kuwento tungkol kay Alden Richards na ilang araw nang hindi napapanood sa nasabing noontime show.
Totoo bang nairita na raw ang mga taga-Eat Bulaga sa aktor na ka-loveteam ni Maine Mendoza alyas Yaya Dub dahil tumanggap ng maraming shows si Alden dito sa bansa at sa abroad.
“Alam naman daw kasing hindi puwedeng um-absent si Alden sa EB tapos tumanggap ng maraming shows, siyempre hahanapin siya ng fans,” kuwento sa amin.
May Cebu show daw ang aktor noong nakaraang linggo at pagkatapos ay dumiretso sa dalawa pang probinsiya at pagbalik ng Maynila ay lumipad na agad ito patungong Japan.
Kung hindi magbabago ang plano ay hanggang bukas si Alden sa Japan kaya sinabihan daw ito ng production ng Eat Bulaga na ituloy-tuloy na nito ang bakasyon.
Wala namang binanggit ang kausap namin kung ang sinasabing bakasyon ni Alden ay dire-diretso na dahil nga nainis na sa kanya ang mga taga-Eat Bulaga o pansamantala lang ito.
Sabagay, dito malalaman kung malakas pa rin ang AlDub kahit wala si Alden. Nauna nang lumabas na prior commitments na ni Alden ang mga pinuntahan niyang shows kaya hindi na ito pwedeng humindi.

No comments: