Saturday, October 3, 2015

Baklang nagpakalat ng litrato ni Alden sa Internet hinahanting na





AFTER pumutok ang name ni Alden Richards sa Eat Bulaga dahil sa kanilang AlDub segment nila, biglang umandar ang paninira sa kanya ng ilang netizens.
Merong nag-post ng ilang pictures ni Alden with a gay friend na kuha noong siya ay hindi pa pumapasok sa showbiz. Yes, it was Alden indeed as sources told us – some na medyo obvious na sweet nga siya sa nasabing gay, iisipin mong parang may something between him and Alden.
Nagulat kami sa naglabasang pics na iyon sa social media – ang tanong ng marami, ano raw ba ang motibo ng bading na nagkalat ng mga old photos na iyon ni Alden with a gay friend?
“Kasi nga, sabi’y sumasali si Alden before sa mga bikini contests before, ‘yung mga male pageants tulad ng napapanood natin sa mga bars. Bata pa yata si Alden that time.
Alam ninyo naman ang mundong iyan, may kanya-kanya minsan silang sponsor – magastos din kasi ang pagsali-sali. Magkano lang naman ang mga premyo ng mga iyan. Pamasahe lang lugi ka na.
Mabuti sana kung sure win ka palagi at nakakapag-uwi ka ng cash prize. But still, contests pa rin ang mga iyon – walang guarantee na mananalo ka. Kaya ‘yung ibang contestants ay hinahawakan ng kanilang mga gay sponsors para tulungan.
Hindi naman necessarily na dyowa na ng lalaki ‘yung bading. Kadalasan oo pero hindi lahat. Malay mo, kaibigan lang talaga ni Alden iyon. Kahit sweet pa sila, eh ano naman ngayon? Halimbawa pa, for the sake of argument, hawak nga ng bading na iyon si Alden, ipagpalagay pang magsyota sila noon, ano naman ang masama? That’s something of the past – marami namang ganyan, di ba? Dami kong kakilala diyan na hawak din ng mga bading.
Sino na lang ba ang natitirang male star natin na hindi nagetzing ng bakla? Kokonti na lang siguro.
“Ang balita, hindi naman ‘yung bading na kasama niya sa pics ang nag-post ng mga litratong iyon.

Somebody else na may kopya ng mga shots. Hindi kasi na-foresee ni Alden na papasok siya siguro sa showbiz that time, much more na hindi naman niya naisip na sisikat siya ng ganito.
Bakit noong hindi pa siya sumikat sa AlDub, wala namang ganyang lumabas na parang scandal on him. Kungsabagay, hindi naman maituturing na scandal iyon eh, pictures lang naman.
“Wala namang kuhang something to that effect. Kaya hayun, balitang hina-hunting ng mga close friends ni Alden ‘yung baklang nagkalat ng pictures na iyon. Pag nakita raw nila ‘yung baklita, bugbog daw talaga ang aabutin noon sa kanila,” anang isang nakatsikahan namin the other day.
Nakakaawa rin si Alden, ’no? Mabait na bata pa naman iyan. Hindi naman niya kasalanan kung bigla siyang sumikat, ‘no! He worked his way up in the movie industry. Matagal din siyang naghintay for his star to shine.
Hindi naman siya basta-basta naging superstar nang overnight para sirain lang ng hinayupak na inggiterang bading na iyon. “Feeling ko, parang crime of passion ito.
Ha-hahaha! Siguro, ‘yung bading na nagpakalat ng pictures na iyon ni Alden and his gay friend ay may gusto sa kaniya pero hindi naka-score. Ha-hahaha! Ganyan ang ibang bading eh, dala ng selos o inggit, gagawa at gagawa ng paraan para makaganti.
Di niya kasi akalaing sisikat ang type niya kaya heto, gumagawa ng paraan para magparamdam o masira ang taong pinapantasiya niya. Ganoon siguro ang nangyari,” sabi ng kausap natin na obvious ding type si Alden.
Hayaan mo sila Alden. Mamatay sila sa inggit. Basta work ka lang nang work at ‘yung whatever na kahapon mo ay hindi na naman mahalaga sa estado mo ngayon.
Ginagamit lang naman ang kahapon para maging inspirasyon sa trabaho mo ngayon – yung meron kang napaghuhugutan para lalo kang gumaling na alagad ng sining.
Pakiusap sa bading na nagkalat ng pics na iyon ni Alden, find your man. Look around you at makakahanap ka rin, huwag na si Alden. He’s taken already by the industry. Intiendes?



No comments: