Saturday, October 3, 2015

Alden, naakbayan si Maine sa tulong ng Dabarkads








Gaya ng dati, isang-talampakang pagitan pa rin ang layo nina Alden at Yaya Dub at bawal pa rin silang maghawak, ayon na rin sa mahigpit na bilin ni Lola Nidora.

Gayunpaman, hindi nakapagpigil ang Eat Bulaga Dabarkads na pagdikitin ang dalawa nang malingat si Lola Nidora.

Ilang sandali lamang matapos manalo ni Alden sa hamon ni Lola Nidora na "bato, bato, pick" pinayagan na silang dalawa ni Yaya Dub na maupo sa isang lamesa. May bonus pa ang dalawa na handshake.

Agad na inaya ni Dabarkads Allan K. ang matanda upang makipag-selfie at kumamay sa mga manonood sa Broadway.

Sinamantala naman ng mga Dabarkads ang pagkakataong nalingat si Lola Nidora at tinulungang magkalapit pa lalo ang dalawa at makaakbay ang Pambansang Bae sa Kalyeserye sweetheart na si Yaya Dub.

No comments: