Tuesday, September 29, 2015

Juday dinugo dahil sa pag-aasikaso kay Ryan at 2 anak





Nakausap namin ang butihing ina ni Judy Ann Santos na si Mommy Carol sa book launch ni Noel Ferrer titled “Sisikat Din Ako” sa SMX Convention Center sa Mall of Asia last Saturday. Sa kanya namin nalaman na nagka-spotting si Juday a few days ago. Dahilan kaya kinailangang magpunta si Juday sa ospital.

Mariing sinabi ng doctor ni Juday sa misis ni Ryan Agoncillo na kailangan niyang mag-bed rest for three weeks for the safety of her baby.

Say nga ni Mommy Carol sa kanyang bunso, ingatan daw niya nang husto ang baby dahil ang tagal daw hinintay at ipinagdasal nang husto ng aktres ang kanyang second child. Kahit pala kasi nasa bahay si Juday, wala pa ring tigil sa paggawa ng kung anu-ano. Siya pa rin daw ang nag-aasikaso sa dalawang anak nila ni Ryan na sina Yohan at Lucho.

‘Yun naman daw kasi ang gusto ni Juday, na siya mismo ang personal na namamahala ng mga pangangailangan ng kanyang asawa at mga anak. Masaya si Juday sa pag-aasikaso sa kanyang pamilya.

Pero syempre, kailangang itigil muna niya ‘yun para sa paglabas ng bagong baby nila ni Ryan. E, tuwang-tuwa pa naman daw si Juday dahil girl ang susunod na anak nila ni Ryan na siya namang wish ng aktres.

Juana Luisa ang name ng third baby ni Juday at Ryan sabi sa amin ni Mommy Carol. Isinunod daw nila ang name ng parating na baby nila sa pangalan ng dalawa nilang anak na sina Yohan (Johanna) at Lucho.

No comments: