Tuesday, September 29, 2015

Gabriela bugbog-sarado sa fans ng ‘It’s Showtime'; tinawag na epal





NALOKA kami sa pakikisawsaw ng Gabriela sa isyu ng It’s Showtime.

Naka-receive ng letters ang Gabriela from people complaining na the show is pimping the Pastillas Girl. In short, ibinubugaw daw ng noontime show ng ABS-CBN si Angelica Jane Yap.

Big word, ha! Ang alam namin, ang pambubugaw ay ginagawa lang sa madidilim na kalye at ito ay pinagkakakitaan ng both parties. Usually, mga prostitutes ang ibinubugaw.

The Pastillas Girl is NOT a prostitute. Nag-aral naman siya. Over ang word na ibinubugaw siya. Bakit, kumikita ba ang show sa kanya? Maling-mali ang word na ibinubugaw, ‘no! Kung ibinubugaw siya, sino ang nakabili sa kanya? Meron na ba?

Itong Gabriela masyadong maepal. Pero noong kasagsagan ng kaso ni Janet Napoles tameme naman sila. Bakit hindi sila nakisawsaw sa kaso ni Napoles? Dahil ba nakakaloka ang kasong kinasangkutan nito? O, isang kapwa nila babae ang nasangkot sa pinakamalaking scam sa politics, pero wala silang say. What gives?

Also, they don’t have a take on other women, mga babaeng kabit ng mga amoy lupang mayayaman. Meron na ba silang stand on sa kapwa nila babae na pumatol sa lalaking may asawa? Bakit hindi sila magbigay ng opinion sa mga kapwa nila babaeng gahaman sa pera kaya pumatol sa lalaking kasing edad ng tatay nila o puwede na nilang maging lolo?
Some people reacted negatively sa paandar ng Gabriela. “OA. 

Anong masama dun Gabriela? Hindi naman binubugaw ha tulad ng mga sinasabi sa bashers, pinapapili lang sya sa 3 boys kung sino karapat dapat sa puso nya.
Even Coco Martin like her so much because of her impressive eyes at totoong tao.” “Nasa tamang edad na si Pastillas, mapapahiya lang yung mga nagreklamo nito at kung i-pipilit ng Gabriela, pati sila mapapahiya. Hahahaha.”
“Sobra naman… pimping agad? Eh paano yung mga segment ng mga noontime shows before like It’s A Date or pag valentine’s na may 3 suitors tapos pipili yung searcher ba either boy or girl. Mga bashers talaga oh.”

“Gabriela, ano po ba talagang pinaglalaban nyo? Hindi po ba parang matchmaking lang naman un? Kahit hindi ko trip si pastillas girl, hindi naman yata sya verbally or physically binabastos.

Sorry po ha, hindi ako upda-ted sa show niya. Sa news ko lng nakikita.” Ilan lang ‘yan sa mga comments against Gabriela. So, kung feeling knight in shining armor ang drama ng Gabriela, bakit hindi sila sumugod sa mga known pimp places at isalba nila ang mga kapwa nila babae na nalugmok na sa prostitusyon?



No comments: