Tuesday, September 29, 2015

Ellen Adarna: Kung nag-quickie man kami ni Paulo Avelino…so!?





“NAGYOSI lang kami ni Paulo Avelino!” Ito ang ipinagsigawan ni Ellen Adarna tungkol sa kumakalat na tsismis na “nag-quickie” sila ng Kapamilya actor habang ginaganap ang Star Magic Ball a few weeks ago.
Kahapon sa ginawang announcement ng Ginebra San Miguel para sa kanilang 2016 Calendar Girl na si Arci Muñoz, kung saan dumalo rin si Ellen para ipasa ang kanyang trono sa kanyang kaibigan, ipinagdiinan nito na hindi sila nag-sex ni Paulo.

“You know, wala akong kailangang i-explain sa kanila dahil wala naman akong sinaktang tao, I was just having fun. And about Paulo, it’s not true na nagkulong kami sa kwarto. Ang naghatid sa akin sa room si Coleen (Garcia), my yaya and my manager were also there.

“Natatawa na nga lang kami ni Paulo. But if ever na may nangyari talaga, if ever lang ha, kung nag-quickie man kami…so? Ha-hahaha!” sey ng sexy actress.

“It’s also true that I grabbed Paulo’s hands dahil ang sakit-sakit na ng paa ko dahil sa heels,” aniya pa.
Tinanong si Ellen kung gusto ba niyang dyowain si Paulo, mabilis na sagot nito, “No, I have a boyfriend. I’m dating someone else. Matagal na kaming magkaibigan ni Paulo, so kung gusto namin, matagal nang naging kami. Baka smoking is the new sex. Ha-hahaha! Nagyosi lang talaga kami kaya kami nawala sa party.”

Diretso ring sinabi ni Ellen pagkatapos niyang ipasa kay Arci Muñoz ang pagiging Ginebra San Miguel Calendar Girl, na totoong medyo nalasing siya sa Star Magic Ball, “Yes, I was drunk pero hindi naman ako wasak na wasak. Just had a few (drinks).”

Kasabay nito, dinenay din niya na iniwan niya ang kanyang leading man sa seryeng Passion de Amor sa party ng Star Magic. Pero inamin ni Ellen na sinabihan na niya ang Kapa-milya actor na tigilan na ang panliligaw sa kanya.

“Sinabi ko naman sa kanya na hindi ako sanay na nililigawan. He’s so traditional. Nagpapadala siya ng bulaklak, ng pagkain. Hindi ko nga alam na panliligaw na pala ‘yun. Hindi kasi ako sanay sa ganyan. Eventually, sinabi niya sa akin one time, ‘Alam mo ba na nililigawan kita?’ ‘Oh, talaga!? Okay!’ So, I told him nu’ng time na ‘yun, ‘Ejay kaka-break ko lang, so I’m not ready for anything.’ And then I told him na I’m dating other guys.”

Ibig sabihin, totoong binasted na niya si Ejay? “Grabe naman yung basted na word, basta I just told him to stop.”



No comments: